Samuel Martires binuking korapsiyon modus sa Ombudsman

Malaking pasabog sa isyu ng korapsiyon ang mga ibinunyag ni dating Ombudsman Samuel Martires sa eksklusibong panayam sa kanya sa programang “The Spokes” ng Bilyonaryo News Channel.

Ito’y kasunod ng kontrobersiya sa “secret decision” umano ni Martires na baliktarin ang dismissal order ni dating Ombudsman Conchita Carpio Morales laban kay Senador Joel Villanueva kaugnay ng kaso nito na may kinalaman sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala bilang pork barrel scam noong 2016.

Sa panayam ni Atty. Trixie Cruz-Angeles, ang host ng “The Spokes”, sinabi ni Martires na pinanatili niyang pribado ang mga desisyon ng kanyang tanggapan para hindi maibenta ang mga ito ng mga tao sa loob ng Office Of the Ombudsman.

Ibinahagi niya ang modus na ginagawa umano, kung saan ginamit niya ang pangalan ng host na si Atty. Trixie Cruz-Angeles sa pagbibigay ng halimbawa ng korapsiyon sa Ombudsman.

“‘Yung ginagawa ko hindi dapat malaman ni Atty. Trixie. Why? Baka kapag nalaman ni Atty. Trixie, ibenta ‘yung ginagawa ko. All Atty. Trixie has to do, if my recommendation is favorable to the respondent, look for the respondent and tell the respondent, ‘Gusto mo manalo sa kaso mo? Bigay ka lang ng P20 million, it happens several times… ako nang bahala kay Ombudsman. Wala namang kaalam-alam ‘yung Ombudsman,” paliwanag ni Martires.

Isa umano sa mga kaso ay naganap sa Batangas kung saan may sangkot na P25 milyon. Nauwi umano ito sa pagbabalik ng pera matapos magbago ang desisyon ng Ombudsman.

“Ang delikado lang du’n which happened in one case, ni-reverse ng Ombudsman ‘yung recommendation nung investigating officer, ‘yung findings. So medyo may nagbalik ng P25 million doon sa kasong ‘yon. This is a case somewhere in Batangas. ‘Yun ang nakakatakot doon. So hindi pupuwedeng sasabihin mo ‘yung ginagawa mo eh. Otherwise mabubukulan ka,” paliwanag ni Martires.

Matatandaang inilantad ng kasalukuyang Ombudsman na si Jesus Crispin Remulla na “secret decision” umano ang ginawang pagbasura ni Martires sa mga reklamo laban kay Villanueva kaugnay ng umano’y maling paggamit ng PDAF na nagdulot ng kontrobersiya. (Issa Santiago)

The post Samuel Martires binuking korapsiyon modus sa Ombudsman first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments