Inatasan ng Malacañang ang tanggapan ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na magpatupad ng national floor price sa palay bilang proteksiyon sa mga magsasaka at pigilan ang pagsasamantala ng mga negosyante sa presyo ng bigas sa mga pamilihan.
Sa ilalim ng Executive Order No. 100, ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa DA na magtakda at magkaroon ng regular adjustment sa presyo ng palay para hindi malugi ang mga magsasaka.
Ipinatupad ang bagong polisiya dahil sa reklamo ng mga magsasaka na sumadsad na ang presyo ng palay sa P14 hanggang P16 per kilo sa ilang probinsya at nagkaroon din ng taas-presyo sa imported rice na umabot umano sa P50 ang kilo.
Binigyang-diin ni Pangulong Marcos na kailangang maging matatag ang presyo ng palay para maging abot-kaya naman sa mga konsyumer ang binibiling bigas.
The post Malacañang kay Tiu Laurel: Ilatag ang floor price ng palay first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments