Umapela si Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson kay dating House Speaker Martin Romualdez na boluntaryong dumalo sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee.
Sa panayam sa programang “Agenda” ng Bilyonaryo News Channel, sinabi ni Lacson na dapat samantalahin ni Romualdez ang pagkakataon na sagutin ang alegasyon ng testigong si Orly Guteza na may ipinadalang pera sa kanyang bahay.
Ani Lacson, kung matibay ang depensa ni Romualdez, lalo na kung mapapatunayan na ang kanyang bahay ay under construction noong nasabing panahon ni Guteza, makakatulong ito upang maliwanagan ang isyu.
“Bibigyan siya ng pagkakataon para ipagtanggol ‘yung kanyang sarili doon sa salaysay na binitiwan ni Technical Sergeant Guteza,” ani Lacson.
Sinabi rin ng senador na hindi pa niya nakakausap si Romualdez hinggil sa usapin.
“Hindi kami nag-uusap. Kaya nga mas maganda kung makarating sa kanya ‘yung panawagan… na kung solid naman ang kanyang depensa sa parte na ‘yun… na ‘yung pagde-deliver ng diumano ay hindi puwedeng mangyari o imposibleng mangyari kasi under construction ‘yung bahay at kung mayroon siyang naitabing logbook… eh mas magandang dalhin niya para mapatotohanan niya,” wika ni Lacson.
Noong Sabado, sinabi ni Lacson na magpapatuloy ang pagdinig ng Blue Ribbon Committee sa anomalya sa mga proyekto ng pamahalaan sa Nobyembre 14 kung siya ay muling ihalal bilang chairman ng komite. (Issa Santiago)
The post Martin Romualdez humarap ka sa Blue Ribbon – Ping Lacson first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments