Pinaalalahanan ng Integrated Cycling Federation of the Philippines o PhilCycling ang mga batang siklista na mag-apply o mag-renew ng kanilang Union Cycliste International identification card na quirement sa 16th Batang Pinoy 2025 sa GenSan sa Oktubre 25-31.
Sa kanilang opisyal na social media account, inilista ng pederasyon ang mga pangalan ng mga indibidwal na dapat mag-apply o mag-renew ng UCI IDs.
May 93 atleta sa mountain bike at 74 sa road race ang tinukoy ng ICFP.
Kasabay nito, inilipat ang cycling solidarity meeting sa Robinsons Place sa lungsod sa siklab ng paligsahan.
Mayroong nakatayang gold medal agad sa cycling, gaya ng judo at weightlifting sa unang araw ng mga aksiyon.
Unti-unti namang nagsisidating na ang mga libu-libong mga atleta sa lungsod na kilalang Tuna Capital ng bansa para sa isang linggong Batang Pinoy o Philippine Youth Games.
Atat ipagtanggol ng Pasig ang pangkalahatang kampeonato sa pagrampa ng 675 atleta, kasama ang 162 coach at 34 na opisyal/support team.
Upang matiyak ang pinakamahusay na karanasan para sa kanilang delegasyon, tutuloy ang mga manlalaro ng Pasig sa isang 4-star hotel, isang hakbang na kanilang ginawa noong isaang taon pagkabig ng 105 gold, 64 silver at 116 bronze medals.
Ang delegasyon ng Davao City may 713 miyembro na nakarating na lulan ng 13 bus at 10 van na patungo sa kaganapan para sa mga atletang may 17 taon at pababa.
May 270 bet ang Maynila habang ang Lapu-Lapu City ay may 206.
Tinagubilinan ng Philippine Sports Commission ang mga pinuno ng mga delegasyon na 100 lamang ang pwedeng sumama sa bawat LGU sa opening parade, maliban sa malalaking delegasyon na hanggang 200. (Lito Oredo)
The post Mga papadyak sa Batang Pinoy kailangang may lisensya ng UCI first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments