‘Pinas bet itaguyod ang 2031 Asian Youth Games, ‘ABG’

Nagpahayag ang Pilipinas ng matapang na hakbang upang itanghal ang isa sa pinakamalaking youth sportsfest sa mundo – Asian Youth Games (AYG) sa hinaharap.

Ipinahayag noong Miyerkoles ni Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino na gaganapain na ang AYG kada dalawang taon, at ang susunod na edisyon pagkaraan ng 2029 ay sa 2031.

Aniya, maaari iyong ganapin sa ‘Pinas – kung ibibigay ng gobyerno ang suporta sa paligsahan.

“Kung ba-back-up-an ako ng government,” pahabol ni Tolentino.

Idinaos ng Olympic Council of Asia ang 101st Executive Board meeting sa Art Hotel and Resort sa Manama bago ang opening rites ng Asian Youth Games kinagabihan ng Oktubre 22 sa Exhibition World Bahrain.

Muling nanawagan si Tolentino, isang miyembro ng OCA Executive Board, para sa pagtutulungan sa bansa, na sinasabing magbibigay ito ng pagkakataon sa pinakamaraming kabataang Pilipinong atleta na maabot ang mas malaking yugto ng palaro.

“May pupuntahan talaga ang mga atleta sa Palaro, Batang Pinoy, ‘yung grassroots talaga,” hirit ng sports official.

“Actually, nag-heads up ako eh, it’s up to government eh. Dalawa ang hineads up ko – if you want, we’re being considered – Asian Beach Games and AYG,” sey pa ni Tolentino.

Nagbukas ang 3rd AYG 2025 sa Bahrain na nagtampok sa mahigit 4,300 atleta na naglalaban sa 253 event ng 24 sports.

Ang Pilipinas ay mayroong 141 delegasyon na mga kasado sa volleyball, teqball, golf, triathlon, mixed martial arts, taekwondo, muay, athletics, boxing, cycling, weightlifting, table tennis, badminton, wrestling, swimming, jiujitsu at kurash.

Si Kram Airam Carpio ang humablot ng unang gold medal ng mga Pinoy rito sa tagumpay sa pencak silat girls’ 51–55 kg division noong Lunes. (Lito Oredo)

The post ‘Pinas bet itaguyod ang 2031 Asian Youth Games, ‘ABG’ first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments