Raffy Tulfo swak na bilyonaryong politiko

‎Kabilang na si Senador Raffy Tulfo sa iilang bilyonaryong politiko sa bansa, base sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) na isinumite noong Marso 2025.

‎Magkasamang nagdeklara ng SALN ang senador at ang kanyang maybahay na si ACT-CIS Party-list Rep. Jocelyn Tulfo na nagkakahalaga sa kabuuan ng P1.05 bilyon.

‎Base sa ulat ng Bilyonaryo, nakasaad sa SALN ang binili nilang 14 luxury vehicles na may kabuuang halaga na P63.86 milyon at limang properties na umabot ng P2.5 milyon, kabilang pa ang minanang commercial lot na nagkakahalaga ng P30 milyon, habang nanunungkulan bilang senador.

‎Bongga ang garahe ng mga Tulfo na may P15 milyong halaga ng Toyota Sequioa na binili noong 2023, dalawang bulletproof Cadillac Escalades na tig-P14.5 milyon at P14 milyon ang halaga.

‎Sa kabuuan ay 21 sasakyan ang pagmamay-ari ng mg Tulfo, kabilang na ang 2016 Mercedes Benz AMG G63 (P14 milyon) at 2020 bulletproof Lexus LX450D (P13 milyon).

‎Isang taon matapos maging senador ay lumawak pa ang properties ni Tulfo kabilang dito ang P30 milyong commercial lot na minana niya noong 2023 at ilan pang agricultural lots na nabili.

‎Bago naging senador ay nasa P346 milyon ang halaga ng propertiew ni Tulfo. Kabilang dito ang P164 milyong residential.lot at P160 milyong co-owned house and lot, na parehong nabili noong 2020.

‎Pero mas malaki ang declared assets ni Tulfo sa luxury items, na kinabibilangan ng P243 milyong halaga ng mga damit, alahas, at mga relo na nabili simula 2017, gayundin ang P50 milyony halaga ng furniture and home fixtures.

‎Paldo rin ang senador sa cash na idineklarang nagkakahalaga ng P288 milyong peso at dollar deposits sa Metrobank at BDO accounts sa nakalipas na siyam na taon.

‎Sa isang panayam noong 2022, sinabi ni Tulfo na umabot na sa P2 bilyon ang kinikita niya sa YouTube. Posibleng lumaki pa ang kanyang kinikita sa YouTube dahil nadoble na subscribers niya na aabot na sa halos 30 milyon.

The post Raffy Tulfo swak na bilyonaryong politiko first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments