Sa pamamagitan ni Reymark Betco, bumangon ang Savouge mula sa mahirap na pagkatalo sa unang araw, tinakasan ang takot sa third set upang pamabutin ang bagong dating na Far Eastern University-DN Steel, 25-22, 25-21, 23-25, 25-21, sa 8th Spikers’ Turf 2025 Invitational Conference prelims nitong Miyerkoles sa Paco Arena.
Inilagay sa reserba sa unang laro ng Savouge, nagkaroon ng magandang pagpapakilala sa 21 puntos – lahat mula sa atake si Betco – upang gabayan ang Spin Doctors sa unang panalo sa torneo na inorganisa ng Sports Vision Management Group, Inc., at umangat sa 1-1.
“Malaking bagay na talagang nakatulong sa amin si [Reymark] Betco dahil napakalaking karagdagan siya sa aming koponan. Gusto niyang maglaro nung unang laro, kaso marami kaming laro ngayong linggo. Sabi ko gagamitin kita sa FEU,” salaysay ni Savouge coach Sydney Calderon.
Matapos mabigo na tapusin ang trabaho sa ikatlong frame sa kabila ng paghawak ng 23-22 na kalamangan, nag-regroup ang Savouge at lubos na nakontrol ang ikaapat. Nagsimula si Betco ng isang matinding 3-0 run na nagpalawak sa kanilang maliit na 20-19 lamang tungo sa isang 23-19 agwat.
“Yesterday talagang nag-training kami, kinundisyon namin ang mga bata na sabi ko, ‘yung pagkatalo namin nung first game it doesn’t define who we are. Sabi ko sa kanila mas maganda ang comeback game,” hirit ni Calderon.
Nagkahon naman ng 23 pts. si Louie Ramirez para sa defending champion Cignal (2-0) nang maalpasan ang Alpha Insurance (1-1), 20-25, 25-22, 21-25, 25-23, 15-1. (Abante Tonite Sports)
The post Reymark Berco, Savouge rumesbak vs FEU-DNS first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments