Nagbanta si Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa mga negosyante at importer ng sibuyas na kakanselahin o ipamamahagi sa iba ang kanilang import permit kung hindi nila ito gagamitin agad ngayong tumataas na naman ang presyo ng pulang sibuyas.
Nagbabala si Laurel ngayong sumisipa na sa P300 per kilo ang presyo ng pulang sibuyas habang papalapit na ang Pasko.
Noong Disyembre 2022, sumirit pa hanggang P800 per kilo ang presyo ng sibuyas dahil sa pagmamanipula ng mga trader at importers. Humantong ito sa pagsalakay ng Philippine Competition Commission noong 2024 laban sa kartel na nagresulta ng mga multang lagpas sa P2 bilyon.
Sabi ni Laurel, kakanselahin niya ang mga hindi nagagamit na Sanitary and Phytosanitary Import Clearances (SPSICs) at ibibigay na sa iba, kasama na ang state-run Food Terminal Inc. para mas mabilis makarating sa bansa ang imported na sibuyas at ibsan ang kakulangan nito sa merkado
Una nang naglabas ang DA ng mga import permit para sa 69,040 metric tons ng pulang sibuyas at 42,261 metric tons ng dilaw na sibuyas. Sa ngayon,
Umabot na sa 1,202 ang import permit na inilabas ng Bureau of Plant Industry para sa pulang sibuyas at 751 sa dilaw na sibuyas. (Eileen Mencias)
The post Agri chief Laurel nagbantang babawiin import permit sa taas-presyo ng sibuyas first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments