Mga laro sa Huwebes
(Araneta Coliseum)
4 p.m. – Petro Gazz vs Akari
6:30pm – ZUS Coffee vs PLDT
Hindi natinag sa pagdagsa ng mga mas mababang seed, ibinalik ng ZUS Coffee ang kaayusan sa chart ng porma nang sa bangis ni Anna DeBeer ibinuwal ang Capital1, 25-14, 25-20, 25-18, upang sunggaban ang ikatlong semifinal berth sa 8th PVL Reinforced Conference sa Araneta Coliseum nitong Lunes ng gabi.
Sa isang sagupaan ng mga bituin sa pagitan ng dalawa sa pinakamahusay na scorer ng liga, nangibabaw si DeBeer sa kapwa superstar na si Sasha Bytsenko, nagtala ng 24 points upang hatakin ang Thunderbelles na makamit ang mabilis na tagumpay sa isang oras at 22 minuto para mag-Last Four sa kumperensyang inoorganisa ng Sports Vision Management Group, Inc. at tatapos sa taon.
Makakatapat ng ZUS sa semis sa Huwebes ang PLDT na pinasibat ang Cignal sa isa pang win-or-go-home quarter match, 25-21, 25-18, 23-25, 25-21, sa likod naman ng 21 pts. at 13 excellent receptions ni Davi Davison.
Magtututos din para sa isang silya pa sa finals sa Big Dome rin ang unang dalawang tumapak sa Final 4 na Petro Gazz at Akari. Sinipa ng Angels sa trono ang Creamline, 25-23, 25-9, 16-25, 25-14, at kinaldag ng Chargers ang Farm Fresh, 28-26, 30-28, 25-21.
Sa kabila ng kanilang pag-unlad, nanatiling maingat na kumpiyansa si coach Jerry Yee, batid ang hebigat na labang naghihintay pa.
“Masaya, pero may susunod pa kaming laro. Kaya, sa kasamaang palad, ang format, isang talo at tapos ka na, kaya kailangan talagang paghandaan,” lahad ng ZUS Coffee coach sa kaganapang mga pinapadrinuhan ng ICTSI, Milcu, Mikasa at Fabriano. (Abante Tonite Sports)


The post Anna naglagablab, ZUS pinag-empake Capital1 first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments