Parehong napigil ang momentum ng Ginebra at Titan Ultra sa pagkaka-postpone ng dalawang laro ng PBA Season 50 Philippine Cup elims noong Linggo (Nov. 9) dahil sa pananalasa ng Super Typhoon Uwan.
Second game sana ang Gin Kings-Giant Risers sa Ynares Center sa Antipolo, pagkatapos ng bakbakan ng TNT at Magnolia.
Winasiwas ng Gins ang NLEX 104-74 noong Nov. 2 para bumalik sa win-column tungo sa 2-3, solo sa eighth.
Humihinga sa kanilang batok ang running 9th Titan (2-4) na galing din sa 97-86 win kontra Blackwater makalipas ang tatlong araw.
Bahagyang magbabago ang timpla ng Giant Risers ni coach Johnedel Cardel, sa halip na ang crowd favorites ay ang defending champion San Miguel Beermen na ang pagtutunan ng pansin.
Babanggain nina Calvin Abueva, Joshua Munzon, Fran Yu sina June Mar Fajardo, CJ Perez, Don Trollano sa Miyerkoles (Nov. 12) sa Ynares Center sa Montalban.
Inaasahan ni Cardel na makukuha na ni Aris Dionisio ang sistema ng team.
Galing Magnolia si Dionisio sa one-on-one trade kay Chris Koon, kapag nakuha ang ritmo ay malaking tulong mga tira sa labas laban sa mas malalaking Beermen.
May ilang araw pang matetengga sina Japeth Aguilar, Scottie Thompson, RJ Abarrientos, Stephen Holt, Jeremiah Gray at Ginebra bago babalik para harapin ang Converge sa Biyernes (Nov. 14) sa Smart Araneta Coliseum. (Vladi Eduarte)
The post Aris Dionisio tinatayang lalagare na sa Giant Risers vs Beermen first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments