Jhuniel Dela Rama pinakinang na ang San Sebastian College

Sa wakas ay natagpuan ng San Sebastian College Recoletos ang angas, dumating sa pamamagitan ng kalmado at petmalung kamay ni Jhuniel Dela Rama.

Ang rookie forward ang nagbigay-lakas sa Golden Stags para makamit ang pinaghirapang sorpresang panalo kontra perennial contender Colegio De San Juan De Letran at sa nangungunang University of Perpetual Help System Dalta, ang nagbigay-daan upang siya ay pagka-isahang iboto nitong Lunes bilang NCAA Player of the Week ng Collegiate Press Corps (CPC) na hatid ng Philippine Sports Commission (PSC).

Unang binuhat ni Dela Rama ang Baste sa isang emosyonal na 82–81 ungos laban sa kanyang dating koponan niyang Knights noong Oktubre 29.

Ang dating Squire ang nagbigay ng panalong puntos sa natitirang tatlong segundo, sinalpak ang mahirap na tira sa ibabaw ng mga braso ni Mark Omega upang tapusin ang limang sunod na talo ng Stags at ang limang ragasa ng CSJL.

Kumayod siya ng 20 points, 7 rebound, tig-2 assists, steals sa panalong hindi inaasahan.

Pagkatapos ng maikling pahinga, ipinagpatuloy ng 6-foot-2 na tubong Leyte ang pag-atake, binidahan uli ang Stags upang gulantangin din Group A leader Altas, 62–61. Nagposte siya ng 15 markers, 10 boards at 2 asts.

Tulad ng ginawa niya laban sa Letran, nagbigay si Dela Rama ng mahalagang puntos para ilagay ang Baste sa unahan, 62–58, sa natitirang 48.1 segundo, sapat na agwat para maselyuhan ang paninilat.

“Binabalik ko lang ang tiwalang binibigay nila sa akin. Sabi ko nga, pinagkakatiwalaan nila ako. Sinasabi nila na: ‘Sige, sa’yo na,’ kaya ginagawa ko lang ang role ko,” litanya ng batang bruiser.

“Alam ko rin naman na hindi makasarili ang mga kasama ko. Pinapasa talaga nila sa akin ang bola kapag kailangan.”

Ang kambal na panalo ang nagpabuti sa gutom na Quiapo-based dribblers sa record na 3-7, nagpanatiling buo ang pag-asa para sa twice-to-beat incentive pagtiklop ng eliminations.

Sakto na ang mga clutch performance ni Dela Rama upang daigin sina Tony Ynot ng College of Saint Benilde, Patrick Sleat ng UPHSD, at Knight Jonathan Manalili na nagwagi noong nakaraang linggo, sa parangal na mga suportado ng Discovery Suites at Buffalo Wings N’ Things, pinag-isipang mabuti ng mga manunulat sa print at online na kumokober sa collegiate sports beat. (Abante Tonite Sports)

The post Jhuniel Dela Rama pinakinang na ang San Sebastian College first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments