Cabinet secretary `pinagpag’ sa out-of-town ni BBM

Sino raw itong miyembro ng Gabinete na mahilig umangkas sa mga out-of-town trip ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. pero palagi namang pinapagpag?

Ayon sa nakalap ni Mang Teban, ilang beses na raw inetsapuwera ni BBM si Cabinet secretary sa lakad nito sa probinsiya. Bansagan natin siyang si “Boy Chaleco”.

Itong si Boy Chaleco, mukhang may plano umano sa 2028 elections kaya kumuha pa ng stylist kung saan inirekomenda na magsuot ito ng chaleco. Hindi lang iyan, nagpagawa rin siya sa PR team nito ng jingle o `yung entrance song para maging engrande ang kanyang pagpasok sa mga event ng Pangulo, parang eksena sa senatorial campaign.

Isang beses, papuntang Visayas ang Presidente kaya itong si Boy Chaleco, inihanda na ang kanyang signature wardrobe at ang entrance song. Patungo na sana ito sa Villamor Airbase pero inabisuhan na hindi na siya kailangan sa event dahil walang konek ang ahensiya nito sa aktibidad ng Presidente.

May nakapagsabi na itong si Boy Chaleco ay nagseselos sa isang Cabinet member na bansagan nating si “Hawi Boy” dahil tila may magnet ito sa media.

Gusto raw gayahin ni Boy Chaleco si Hawi Boy upang maging sikat siya sa publiko pero mukhang hindi bumebenta ang mga pa-awra nito.

Clue: Ang Cabinet member na palaging pinapagpag sa mga out-of-town trip ng Presidente ay puwedeng hulaan ang pangalan sa app.

The post Cabinet secretary `pinagpag’ sa out-of-town ni BBM first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments