Tinulungang mag-manifest ng mga host ng ‘Beautiful Day’ na sina Anne Asis-Carilo at Paolo del Rosario ang rising OPM singer na si Jao . Naganap ito sa kanilang programa sa Bilyonaryo Channel.
Wish kasi ni Jao na maka-collab ang international singer na si Ed Sheeran kapag bumalik muli ng bansa for a concert.
Nag-ugat ang pagnanasa ni Jao na maka-colab si Ed pagkatapos makipag-duet sa kanya ang international singer sa TikTok.
“Actually, di ko pa nga po ‘yun mapaniwalaan nu’ng una kasi nagdo-doomscroll lang po ako ng mga 2am. Sabi ko, ‘Ano ‘tong Ed Sheeran dueted your video. Akala ko po kasi fake lang. Kasi ang dami na, e. Tapos nu’ng pinindot ko po ‘yun hindi ako makasigaw. Kasi, alas-dos na nga po ng madaling-araw. Pero tamang timingan lang din po ‘yun na first time ko nakita na dinuet niya po talaga. And, nakakabaliw po kasi bata pa lang po ako nakikinig na po ako talaga sa kanya.”
Shinare ni Jao sa mga host ang pagtataka niya kung paano nakita ni Ed ang video na kinakanta ang song niya.
Sinuportahan naman ng Bilyonaryo hosts na sina Anne at Paolo si Jao na mag-manifest para sa katuparan ng kanyang dream callab.
Top songs sa Spotify ang mga kanta ni Jao gaya ng “Ikaw Lang Po,” “Classroom Crush” at “Torpe.”
Inupload lang daw niya yung cober videos nya sa TikTok. Doon siya kinuha ng recording label niya ngayon at saka siya naglabas ng bagong mga kanta.
Nakakaaliw ang mga host na sina Anne at Paolo habang iniinterbyu si Jao. Patola talaga sila sa mga hirit ni Jao at pagpapakita ng suporta sa OPM music.
Yun na. (Julie Bonifacio-Gaspar)
The post Collab kay Ed Sheeran! Anne Asis -Carilo ,Paolo del Rosario tumulong sa wish ng baguhang singer first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments