Lalong napuno ng pagmamahal ang unang gabi ng concert ni Dionela matapos niyang mag-propose sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Meizy Mendoza.
Sa ‘The Grace Tour Manila’ concert nga nakuha ni Dionela ang matamis na “oo” ni Meizy, na ginanap noong November 21 sa New Frontier Theater.
Tinawag ng singer ang kanyang kasintahan para kantahin ang chorus ng kanta nitong “Bahaghari.”
Matapos ang ilang sandali, ibinigay na ni Dionela ang kanyang mensahe para kay Meizy, dahilan para magkagulo ang mga faney.
“Sinamahan mo ‘ko mula umpisa, hanggang sa dulo mahal. Naalala ko na kasama kita noong binenta ko ‘yung huling gitara ko at gusto ko nang mag-quit. Tapos umiiyak tayong dalawa nu’n,” kuwento ng singer.
“Nandito na tayo sa New Frontier, ang daming tao. Sinamahan mo ‘ko mula umpisa hanggang ngayon. Gusto sana kitang yayain, samahan mo ‘ko habambuhay,” dugtong pa nito.
Nagsimula na ring umiyak si Meizy nang lumuhod si Dionela at nagtanong ng “Meizy Joaquin Mendoza, will you marry me?”
Masayang balita naman ni Dionela, “Everybody, she said YES!” (Angelica Mallilin)
The post Dionela, non-showbiz GF engage na first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments