Muling inihalal si John Bryan Ulanday ng The Star bilang pangulo ng Collegiate Press Corps para sa 2025-26 athletic season ng 88th University Athletic Association of the Philippines at 101st National Collegiate Athletic Association.
Siya ay magsisilbi ng ikatlong sunod na taong termino bilang pinuno ng pinagsanib na organisasyon ng dalawang pangunahing liga ng kolehiyo sa bansa pagkaluklok ng mga miyembro ng print at online media sa katatapos na pangkalahatang asembliya at eleksiyon sa Smart Araneta Coliseum.
Si Justin Kenneth Carandang ng GMA News Online ang vice president-internal, si Luisa Morales ng One Sports ang binotong VP-UAAP, si Rommel Fuertes Jr. ng Inquirer.net ang VP-NCAA, at si Rom Anzures ng ABS-CBN News ang secretary.
Bumubuo sa board of directors sina Theodore Jurado ng People’s Journal, Christian Jacinto ng Spin.ph, Bea Micaller ng GMA News Online, Janiel Abby Toralba ng Malaya Business Insight, at Ralph Villanueva ng Philstar.com.
Noong 2024, kapwa ipinakilala at ipinagpatuloy ng CPC – na dating hiwalay bilang UAAP at NCAA Press Corps bago pinag-isa noong 2022 sa ilalim ng isang payong – ang mga proyekto na sinimulan ni Ulanday mula nang siya ay gumanap sa kanyang tungkulin noong 2023.
Kabilang sa mga ito ang kauna-unahang pagsasama ng mga natatanging manlalaro mula sa collegiate football sa Annual Awards Night, lingguhang pagpapakilala ng Power Rankings ng UAAP, NCAA teams, at ang makasaysayang CPC Outreach Program na nagbigay ng tulong sa maraming ulila sa Maynila – sa kabalikat ang mga opisyal at coach ng dalawang liga.
Plano rin ng CPC na muling buhayin ang workshop at sportswriting contest para sa campus media upang makatulong sa paghasa sa mga susunod na manunulat ng bansa.
Suportado ng Philippine Sports Commission (PSC), Discovery Suites, Buffalo Wings N’ Things, isinama rin ng CPC ang Super Six award para sa collegiate volleyball sa Awards Night noong nakaraang taon upang maging katumbas ng karaniwang Mythical Team sa basketball. (Abante Tonite Sports)
The post John Bryan Ulanday muling inihalal na pangulo ng CPC first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments