Jude Garcia ikakatok Criss Cross sa ‘F4’ kontra FEU

Mga laro ngayong Miyerkoles

(Paco Arena)

10 am – Savouge Aesthetics vs PGJC-Navy

1 pm – Alpha Insurance vs VNS

3 pm – Cignal vs UST-Gameville

5 pm – Criss Cross vs FEU-DN Steel

Isang pambihirang apat na laro, na tampok ang lahat ng walong koponan, ang magmamarka sa pagbabalik ng Spikers’ Turf Invitational Conference prelims ngayong Miyerkoles, na nangangako ng buong araw na aksiyon sa volleyball sa Paco Arena sa Maynila.

Lalapit sa Final 4 ang walang talong Criss Cross (4-0) na ibibida ni Jude Garcia, at ang defending champion Cignal (4-1), habang ang iba pang mga koponan palakasin ang mga tsansa sa playoff o panatilihing buo ang mga pag-asa sa nagiging masikip na labanan na dulot ng mga ipinagpalibang mga aksiyon noong Linggo dahil sa Super Bagyong Uwan.

Ang pinakamahalagang labanan sa araw ay ang paghaharap ng karanasan at kabataan dahil ang nangungunang koponan sa liga na King Crunchers makakatapat ang FEU-DN Steel Tamaraws (1-2) sa ganap na alas-5:00 ng hapon, samantalang kasagupa ng Super Spikers ang UST-Gameville Golden Spikers (3-1) sa alas-3:00 ng hapon

Makakasangga ni Garcia ang kapwa mga beteranong sina Jaron Requinton, at Kim Malabunga laban sa Tamaraws na pangungunahan nina Dryx Saavedra, Luis Miguel, at Lirick Mendoza.

Toka sa alas-10:00 ng umaga ang Savouge Aesthetics (3-2)-PGJC-Navy (0-4) at sa ala-1:00 ng hapon ang Alpha Insurance (2-2)-VNS Griffins (0-4) sa paliga ng Sports Vision Management Group, Inc. na mga hatid ng Alpha Insurance, Premiere EMS, Buffalo’s Wings N’ Things, at Arena Plus. (Abante Tonite Sports)

The post Jude Garcia ikakatok Criss Cross sa ‘F4’ kontra FEU first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments