May pitong bwan ang Alas Pilipinas Under-16 girls squad para paghandaan ang 2nd FIVB Volleyball Girls’ U17 World Championship 2026 sa Chile, na ang programa’y kabibilangan ng posibleng pagsasanay sa ibang bansa at palalawaking grupo ng mga manlalaro.
Mula sa pagkakaroon lang ng dalawang linggong preparasyon ng 12 manlalaro sa high school ng iba’t ibang team, ang pinakabatang pambansang koponan ng volleyball ang naging unang team ng bansa na nakapasok sa isang world championship nang hindi nangangailangan ng awtomatikong puwesto mula sa pagiging host.
Tumapos ang Alas girls na pinangunahan ni team captain Xys Rayco sa ikalimang puwesto sa 2nd Asian Volleyball Confederation (AVC) Asian Women’s U16 Volleyball Championship makaraan ang pagsorpresa sa Thailand noong Sabado, 25-23, 25-20, 19-25, 25-22, sa Prince Hamzah Sports Hall sa Amman upang makuha ang huling Asian ticket sa Chile world meet.
“Malaking bagay ito para sa volleyball ng bansas at tinitingnan namin ang hinaharap,” pahayag sa Ingles nitong Martes ni Ramon “Tats” Suzara, pangulo ng Philippine National Volleyball Federation, at bilang presidente rin ng AVC buong sinubaybayan ang kampanya ng mga batang Pinay sa Jordan.
Kwalipikado na ang China bilang defending world champion kahit hindi pa nakakarating sa Final Four ng kompetisyon sa Amman, habang ang iba pang qualified squad mula sa Asya ay ang bagong nakoronahang AVC U16 champion South Korea, runner-up Chinese Taipei, at ikaapat na puwestong Japan.
Matapos patunayan kung ano ang kaya ng mga batang babaeng ito sa kabila ng maikling paghahanda, susulitin ni Alas U16 coach Edwin Leyva ang pitong buwang paghahanda kasama ang suporta ng AVC at ni Suzara sa pagsasanay – kabilang ang isang kampo sa ibang bansa.
“Sana sa pagkakataong ito, mas makapaghanda tayo nang mas mabuti,” hirit ni Leyva. “Gaya ng nabanggit ni G. Tats Suzara, magkakaroon kami ng mas maraming oras para maghanda, marahil mga anim hanggang pitong buwan bago ang torneo sa Chile.”
“May posibilidad din na magsanay kami sa ibang bansa para matuto at ma-adopt ang mga sistemang ginagamit sa Japan, Korea o Chinese Taipei,” dagdag niya.
Nais din ni Leyva na magdagdag ng mga manlalaro sa kanyang 12-miyembro, makasaysayang koponan.
“Sana, mapalawak natin ang grupo ng mga sinasanay para medyo lumaki ito. Sa ganitong paraan, makakakuha tayo ng mga manlalaro mula sa natitirang grupo kapag kailangan. Hindi lang tayo pwedeng manatiling ganyan lang sa mga bagay. Kailangan palakasin o panatilihin ang linya, depende sa pagkakaisa at samahan ng koponan,” aniya.
Kabilang ang 14-taong-gulang na si Rayco sa limang nangunang scorer sa torneo na may kabuuang 112 points mula sa 92 kills, 14 blocks, at 6 aces. Siya rin ay nasa top six na spiker.
Naniniwala ang katapat na spiker mula sa Nasipit na darating pa ang pinakamainam para sa kanya at sa PH 6.
“Talagang inspirado ako dahil bata pa ako, pero malayo na ang narating namin,” sey ni Rayco. “May mas mataas pa tayong antas na haharapin, at sobrang saya ko na sa edad ko, nagawa kong makamit ito.”
Si Nadeth Herbon, ang isa pang pangunahing scorer ng Alas, giniit na hindi sasayangin ang pagkakataon.
“Mag-eensayo kaming mas mahirap kapag nakauwi na kami,” saad ni Herbon.
Nanguna rin si middle blocker Madele Gale bilang No. 2 sa blocking na may 20 kill blocks, kabilang ang kanyang career-best na pitong block sa limang set na pagkatalo sa Thailand sa Final Eight.
Sina Resty Jane Olaguir at Frances Ramos ay nasa ika-6 na puwesto sa Best Setters at Best Diggers, ayon sa pagkakasunod.
Lahat ng 12 manlalaro ay karapat-dapat pa rin para sa World Championship sa susunod na taon dahil lahat sila ay ipinanganak noong 2010 o 2011.
Para kay Leyva, ang makasaysayang sandaling ito ay patunay na maliwanag ang kinabukasan ng volleyball sa Pilipinas. Ang lahat ay tungkol sa pagsisimula nito sa pinakamaagang posibleng panahon at ang pagpapatuloy ng programa hanggang sa mas mataas na pangkat ng edad.
“Gusto naming maging pamantayan ang grupong ito para sa aming programang nakabatay sa masa,” aniya. Sa loob lamang ng dalawang linggong paghahanda, marami na ang nagawa ng team. (Abante Tonite Sports)
The post Xys Rayco, Alas papatigas para sa Girls U17 World first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments