Senador hinimok DSWD na imbestigahan iregularidad ayuda sa Cebu

Hinimok ni Senate Social Justice Committee Chairman Erwin Tulfo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na siguraduhing makatanggap ng tama at nararapat na tulong mula sa pamahalaan ang mga biktima ng Bagyong Tino sa gitna ng mga ulat ng umano’y diskriminasyon sa Cebu.

“Nakakalungkot at nakakagalit ang mga balitang may mga ilang barangay personnel sa Cebu na namimili lang kung sino ang bibigyanang ng ayuda na biktima ng Bagyong Tino sa lalawigan ng Cebu”.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nangyari ang ganitong insidente, at nakakadismaya na patuloy na nagaganap ang diskriminasyon sa mga biktima ng sakuna,” pahayag ni Tulfo.

Ipinahayag ito ni Tulfo, na dating kalihim ng DSWD at ngayon ay senador, matapos magreklamo ang isang residente ng Purok Isla Verde, Talisay City, Cebu na dineklara umano ng isang opisyal ng barangay bilang “partially damaged” o bahagyang nasira ang kanyang bahay, gayong nawasak naman kanyang bahay na nasalanta ng baha.

“Kilala ko si Sec. Rex Gatchalian at sure akong hindi rin niya ito magugustuhan. Hindi siya papayag na may ganyang nangyayari. Nakikita naman natin na mabilis ang aksyon ng DSWD lalo na sa mga kalamidad kaya alam kong di makakalusot kay Sec. Rex ang ganitong mga gawain sa ayuda,” ani Tulfo.

“Double whammy na ito kung biktima na sila ng kalamidad tapos magiging biktima pa sila uli ng manipulasyon sa pamamahagi ng ayuda,” binigyang-diin ni Tulfo.

Noong Hulyo, inihain ni Tulfo ang Senate Bill No. 254 o ang panukalang “Anti-Discrimination in the Delivery of Social Protection Programs Act,” isa sa kanyang mga pangunahing panukala sa ika-20 Kongreso.

Layunin ng SBN 254 ni Tulfo na parusahan ang mga mapanuring, mapanlinlang, at diskriminatoryong gawain ng mga kawani ng gobyerno sa pagbibigay ng mga programang panlipunang proteksyon, upang matiyak ang patas at makatarungang pamamahagi ng tulong sa lahat ng kwalipikadong indibidwal at pamilya.

“Sa mismong kahulugan pa lang ng salitang ‘tulong,’ ito ay dapat ibigay sa taumbayan, nang buo at walang labis o kulang,” pagtatapos ni Tulfo.

The post Senador hinimok DSWD na imbestigahan iregularidad ayuda sa Cebu first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments