Kung ang ekonomiya ang pinakamalaking problema ng Pilipinas sa pananaw ng mga Pilipino noon, governance o pamamalakad na ng bansa ang nakikitang mabigat na suliranin ngayon, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa October 2025 Mega Manila survey, 66% ng mga respondent ang nagsabing governance ang problema, partikular na ang korapsiyon kung saan 84% ang naniniwalang napakaraming katiwalian sa public sector at 77% ang kumbinsidong mas laganap ito ngayon.
Nang tanungin kung saan nagaganap ang korapsiyon, karamihan sa mga respondent ang nagsabing nangyayari ito sa antas ng gabinete at ang matataas na opisyal pa mismo ang pasimuno.
Noon, ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) ang sinasabing pinakamalala sa korapsiyon. Pero sa October survey, 59% ang nagsabing ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pinakakurakot kasunod ang BOC at Senado, kung saan 6% ang nagsabing sila ang pinaka-corrupt.
Samantala, 63% ng mga respondent ang naniniwalang tumanggap umano si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. ng mahigit P125 milyon para sa mga proyektong inaprubahan niya noong 2024.
Nasa 64% naman ang naniniwalang tumanggap umano si Senador Jinggoy Estrada ng P355 milyon na kickback mula sa mga flood control project.
May 61% ang naniniwalang tinulungan ni Senator Francis “Chiz” Escudero ang Centerways Construction na makakuha ng mga flood control project matapos magbigay ng P30 milyong donasyon para sa kanyang kampanya.
Nasa 59% naman ang naniniwalang tumanggap umano si Senador Joel Villanueva ng P600 milyon sa kickback mula sa flood control projects sa Bulacan. May 55% naman ang naniniwalang tumanggap umano si dating Senador at ngayo’y Mayor Nancy Binay ng P37 milyon mula sa flood control projects sa Makati.
Sa pananaw ng karamihan sa Mega Manila survey, nais nilang kasuhan at parusahan ang mga sangkot sa katiwalian para mahinto ang korapsiyon sa pamahalaan.
Isinagawa ang survey mula Oktubre 19 hanggang 22 sa 600 respondent: 200 sa Metro Manila at tig-100 mula sa Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal. (Eileen Mencias)
The post Survey: Mga Pinoy dismayado sa talamak na korapsiyon first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments