T-Mc Ongotan binuhay Arellano Chiefs sa semis twice-to-beat

Sa wakas ay nabuhay na ang Arellano University sa huling bahagi ng 101st NCAA Seniors Basketball Tournament 2nd round elims, salamat sa pagsisikap ni T-Mc Ongotan.

Pinangunahan ng star guard ang Chiefs sa karapat-dapat na tagumpay laban sa lumalakas na San Sebastian College at nangungunang University of Perpetual Help System, na nagbigay sa kanya ng parangal nitong Lunes na NCAA Player of the Week ng Collegiate Press Corps (CPC) na ipinagkaloob ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa Nobyembre 12-17.

Unang pinamunuan ni Ongotan ang AU sa isang 78–71 panalo laban sa Golden Stags at kay Jhuniel Dela Rama, ang nakaraang POW recipient, sa binaong 25 points, 6 rebounds, tig-2 assists, steals, at 1 block.

Makalipas ang apat na araw, nagpakita na naman siya ng kahanga-hangang pagganap, na nagpanalo sa Legarda-based hoopsters laban sa lider ng Group A na Altas, 70–69. Buong gilas na ipinakita ni Ongotan ang walang tigil na angas sa pagkumpleto ng 22 pts., 4 rebs., 2 asts., at 1 blk., lalo pang pinatunayan ang kanyang papel bilang isa sa mga pangunahing manlalaro ng koponan.

“Nagpapasalamat ako sa Panginoon na nakuha namin ang panalo. “Yung sistema, ‘yun lang sinunod namin kasi ‘pag mga crucial game talaga, sabi ni coach [Chico Manabat] d’un dapat kami pumunta,” lahad ng all-around cager.

“Ginagawa namin ‘yun sa ensayo. Kumbaga, ‘pag mga mahalagang laro, doon dapat hindi nag-iisa,” dagdag ni Ongotan, na siyang unang manlalaro ng NCAA ngayong taon na dalawang beses nakakuha ng lingguhang pagkilala.

Ang magkasunod na panalo ang nagbigay-lakas sa determinadong Arellano ng 5–6 (win-loss) record, na nagpapanatiling buo sa pag-asa para sa twice-to-beat incentive pagsapit ng semis.

Wagi siya sa weekly citation na mga suportado ng Discovery Suites at Buffalo Wings N’ Things sa katropang si Renzo Abiera, kina Ian Torres ng College of Saint Benilde, Clint Escamis ng Mapua University, at Janti Miller ng San Beda University. (Abante Tonite Sports)

The post T-Mc Ongotan binuhay Arellano Chiefs sa semis twice-to-beat first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments