Kontrobersyal ang naging post ni Heart Evangelista na ipinakita niya ang isang tumbler.
Mabilis naman ang pagsawsaw ng mga katekatera at sawsawera sa pagsasabing pa-shade daw ang kanyang post kay Vice Ganda.
Bagamat dinepensahan na ng kampo ni Heart na hindi ito patutsada kay Vice kundi sa isang kaibigan ng aktres, ayaw namang pasawata ng mga nagma-Marisol.
Matatandaang nagkaisyu ang dalawa nang minsang mabanggit ni Meme ang pangalan ni Heart tungkol sa eskuwelahan ng probinsyang kanyang tinulungan na sakop ng mister ng aktres.
May pa-shade rin si Meme noon na ang kanyang pinambibili ng shoes ay galing sa sariling sikap.
Ito naman ang samu’t-saring reaksyon ng kibitzers.
“baka si ___ang pinapatamaan?”
“The best comeback”
“Okay lang na gay si Vice Ganda top taxpayer naman may ambag sa lipunan”
“Gay is never and should never be an insult.””
“Bading naman talaga si VG loud and proud. Top taxpayer pa.”
“This is sooo reaching. Lahat nalang kinonnect. Haha. Her photographer owns that tumbler. She just reposted someone’s post. Mga katok na kayo sa obsession niyo.”
“Di naman ma ooffend si vice niyan”
Bukas naman ang pahinang ito sa panig nina Heart at Vice hinggil sa isyu.( Archie Liao)
The post Vice Ganda inisyung pinatutsadahan ni Heart Evangelista first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments