Marami ang nawindang sa mga naging expose ni Ellen Adarna sa kanyang mister na si Derek Ramsay .
May mga nakakalokang recorded conversation din si Ellen na ibinahagi niya hinggil sa bangayan nila ni Derek kasama na ang umano’y pagmumura ng aktor sa isa sa mga away nila.
Sa kanya pang pasabog, pinakita niya ang bonding niya sa ex ni Derek na si Joanne Villablanca.
Nakakaintriga rin ang laman ng kanyang Instagram stories tungkol sa pagku-compare notes niya sa exes ng kanyang hubby.
Aniya: “After talking and comparing notes with the exes, we agreed na ako nalang ang spokesperson since I’m the fearless one enough to speak”.
“They’ve actually endured worse than I have, and they gave me their full blessing to raise the banner for all of us. And told them, don’t worry, I got you girls, ”pahabol niya.
May ipinakita pa siyang group chat with exes ni Derek na hindi naman naka-detalye kung sino ang mga miyembro.
“Group chat of me and some ex girlfriends laglagan na eto”, hirit niya.
Dahil sa palabang stance ni Ellen ay umani agad ito ng samu’t-saring reaksyon sa kibitzers.
May mga nang-urot pa na makipagsanib-puwersa rin siya kay Angelica Panganiban na naging ex din ng kanyang mister na kilala sa pagiging palaban at outspoken.
May nagsasabi rin kampihan umano ni Angelica si Ellen.
Ito naman ang samu’t-saring reaksyon ng kibitzers sa nasabing away ng dalawa.
“Bukingan na.”
“Lagot, comparing notes na.”
“Sino kaya ang members ng GC na ito?”
“Ladies unite!”
“Wow, may pa-meeting pa sila.”
“Sanib puwersa rin sila ni Angge. Ano kayang sasabihin ni Angge?”
“Naku, tantanan si Angge. Hindi na makikigulo iyon kasi happy na iyon sa lovelife niya. Matagal na siyang naka-move on sa ex niya.”
“Naghanap ng kakampi si Ellen.Hahaha.” (Archie Liao)
The post Hala Derek! Angelica Panganiban inurot na kampihan si Ellen Adarna first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments