Banna Hills pag-ipunan!

Noong nakaraang taon, nagkaroon ako ng pagkakataon na maigugol sa abroad, partikular sa bahagi ng Sa Pa, lalawigan ng Lao Cai sa Vietnam ang selebrasyon ng Bagong Taon at hindi naman ako nagsisisi dahil pakiramdam ko ay sulit naman ang gastos.

Ngayong taon, Vietnam ulit ang aking naging destinasyon sa pagsalubong sa 2026 kung saan naging bahagi ng itinerary ang pag-akyat sa Banna Hills, isang tourist destination na kalapit lamang ng Da Nang City.
May direktang flight mula sa Maynila patungo ng Da Nang City ang Philippine Airlines kung kaya’t hindi mahirap para sa mga Pinoy na marating ito.

Sa mismong Da Nang City pa lamang ay solb na ako dahil kumpara sa Hanoi na siyang karaniwang nilalapagan ng mga nais magtungo sa Sa Pa, higit itong maayos at hindi masyadong pinuputakte ng mga motorsiklo ang mga lansangan.
Pero higit akong namangha nang tunguhin ko na ang Banna Hills dahil kakaibang experience ang hatid nito umpisa pa lamang sa reception area hanggang sa makarating sa mismong lugar kung nasaan ang hilera ng mga hotel na maaring tuluyan.

Mula sa reception sa baba, ang mga turista ay kailangang sumakay sa cable car kasama ang kanilang mga bagahe sa biyaheng tatagal nang humigit-kumulang 20 minutos.

Batay sa impormasyon, ito na ang pinakamakahaba at pinakamatagal na ruta ng cable car sa buong mundo dahil ilang matatarik na bundok muna ang lalagpasan nito bago marating ang pinaka-peak na siyang kinaroroonan ng mga atraksiyon.
Sa reception area ay hindi masyadong malamig ang temperatura pero paglabas mo sa cable car sa tuktok ay matic na hahagilap ka ng jacket o sweater.

Walang ibang daan ang mga turista patungo sa taas kundi ang sumakay sa cable car dahil ipinagbawal na ng nangangasiwa sa lugar ang pagpanhik mg mga sasakyang panlupa.

Sa mismong Banna Hills, feel na feel ang Europe lalo na ang France at Spain dahil ang tema ng mga gusali at attraction ay hango sa mga makikita sa iba’t ibang bansa sa naturang kontinente.
Ang Banna Hills ay halos isang oras lamang na biyahe by land mula sa Da Nang City.

Kung ikukumpara sa Sa Pa, mas irerekomenda ko na unahin na muna ng mga nagbabalak ang pagtungo sa Banna Hills dahil mas malapit itong puntahan kung mangggaling sa Maynila sakay ng eroplano.
Ang Sa Pa kasi, bagama’t malamig din sa ganitong panahon ay kailangan pang lakbayin ng 6 oras mula sa Hanoi sa pamamagitan ng sleeper bus kaya mas matagal ang oras na kailangang ilaan sa biyahe.
Sa Banna Hills, mas maiksi ang biyahe at siguradong hindi mapapantayan ang pagsakay sa cable car patungo sa hotel na inyong tutuluyan.
Wala ring problema sa internet dahil may malakas itong wifi na hindi na nangangilangan ng password o email para maactivate.
Kaya para ayos ang buhay-buhay mag-Banna Hills na kayo!

The post Banna Hills pag-ipunan! first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments