JM Ibarra, Fyang Smith naispatan nagtitinda ng tiket

Naispatan ng mga moviegoer sina JM Ibarra at Fyang Smith. Personal na nagbebenta ng cinema tickets sa isang sinehan sa Quezon City.

Agad na pinagkaguluhan ang dalawa ng mga fan na hindi makapaniwalang makakasabay nilang bumili ng ticket ang kanilang mga iniidolo. Ito ang dahilan para mas lalong uminit ang eksena sa lobby ng sinehan.

Kasama rin ng JMFyang si Richard Gutierrez. Game na game ring makihalubilo sa mga manonood. Kuwento ng mga saksi, todo-ngiti at walang arte ang mga artista habang inaanyayahan ang publiko na suportahan ang kanilang pelikula, bagay na ikinatuwa ng marami.

Bahagi ito ng promotion ng kanilang MMFF entry na “Shake, Rattle & Roll Evil Origins.” Abala ang cast sa pag-iikot sa iba’t ibang sinehan para personal na makadaupang-palad ang audience at pasalamatan ang mga sumusuporta sa pelikula. Patunay ng kanilang dedikasyon sa proyekto.

Matatandaang umani ng papuri at malalakas na palakpakan ang performance ng JMFyang loveteam sa kanilang episode sa SRR.
Ayon sa mga netizen,swak ang kanilang chemistry at epektibo ang pagganap sa nakakatindig-balahibong kuwento—kaya naman lalo pang nadagdagan ang excitement ng publiko na panoorin ang pelikula sa big screen.

The post JM Ibarra, Fyang Smith naispatan nagtitinda ng tiket first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments