Sinukbit nina Kathlyn Bugna at Jan Cadee Dagoon ang atensiyon sa dalawang singles finals sa iba’t ibang age group sa Olongapo Tennis Club National Junior Championships sa OTC sa Olongapo City nitong nakaraang Linggo, habang nagladlad din ng galing si Athena Liwag sa tig-isang panalo at runner-up finish.
Kinumpirma ni fourth seed Bugna ang katayuan bilang isang umuusbong na bituin sa sport, nang silatin si top seed at local ace Dagoon sa isang kapanapanabik na paluan sa semifinal, 6-4, 7-5.
Tapos ay binulaga rin niya si No. 2 Dania Bulanadi, sinigurado ang korona ng girls’ 18-and-under 6-4, 6-1 na panalo sa Group 2 tournament na iniharap ng Dunlop.
Sa isang nakakagulat na pagbabago ng mga pangyayari, mas maagang nagwagi si Dagoon laban kay Bugna ng La Carlota-Batang Onay sa 16-&-under finals, 6-4, 2-6, 6-4. Ang pagbabagong ito ng kapalaran ang nagbigay-diin sa mapagkumpitensyang kalikasan ng paligsahan, na nagpapakita ng pantay na larangan kung saan sinumang manlalaro ay maaaring magpakita ng galing.
Pasiklab din si Liwag, na mula rin sa lungsod na host ng netfest, ng angking galing sa halos pag-love set kay kay Abby Castigador 6-1, 6-0 upang masungkit ang kampeonato sa girls’ 12-&-under. Pero nabigo kay sa 14-&-under title pagkatisod sa kapwa taga-Olongapo na si Ayl Gonzaga, 3-6, 1-6.
Sa dibisyon ng mga lalaki, si Lexious Cruz ng Cabanatuan ang namukod-tanging manlalaro, tinalo si No. 4 Karl Almiron 6-2, 6-0 upang makuha ang tropeo para sa 18-and-Under. Pinatibay ni Cruz ang pagiging dominante sa pagtalo kay Troan Vytiaco 6-1, 6-2 sa 16-&-U finals, naging mag-isang “double” winner sa lingguhang torneo, na bahagi ng PPS-PEPP nationwide circuit na sinimulan ni Palawan Pawnshop president/CEO Bobby Castro.
Sinorpresa ni fourth seed Jairus Peralta ng Pangasinan si top seed Anthony Cosca, 7-5, 2-6, 6-0, upang makuha ang titulo sa 14-&-under. Gayunpaman, pinigilan ng paboritong lokal na si Yuan Torrente ang pagtatangka ni Peralta na makuha ang ikalawang korona, tinalo siya ng 6-3, 6-4 sa finals ng 12-&-under.
Ipinakita ni top seed Raven De Guzman ang talento kay second seed Francis Angels, 4-2, 4-2 upang manalo sa pinakabatang 10-&-U unisex division ng kpmpetisyon na pinahintulutan ng Philta at mga sinuportahan ng Universal Tennis at ICON Golf & Sports.
Sa doubles play, nagtagumpay sina Dagoon at Gonzaga laban kina Shiloh Cruz at Liwag, 8-3, upang makuha ang korona sa 18-&-U, habang sina Cristiano Calingasan at Vytiaco ang nagwagi 8-2 laban kina Johan Dacyon at Johnrey Garcia sa kategorya ng mga lalaki.
Nakipagtambal si Liwag kay Sofia Aguilera, at dinomina ang 14-and-under finals 8-1 na panalo laban kina Leanne Barrido at Ella Dela Cruz. Sinungkit nina Cosca at Peralta ang titulo sa boys’ 14-&-under sa 8-1 na paggapi kina Godfrey Buan at Lei Santiago.
Sa pinakabatang dibisyon, nagsabwatan sina Angeles at Liam Harrow para sa korona ng 10-and-U, naipuslit ang 8-7(5) na panalo laban kina De Guzman at Azl Gonzaga. (Abante Tonite Sports)
The post Kathlyn Bugna, 2 pang netter nagmarka sa PPS Olongapo first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments