Kayla Sanchez sinisid ika-3 ginto sa SEAG swimming

BANGKOK (Via PSC-MCO— Kinampay ni Olympian Kayla Sanchez ang ikatlong tagumpay upang maging most bemaddaled swimmer sa 33rd Southeast Asian Games nitong Sabado ng gabi sa Sports Authority of Thailand dito.

Tila ginawa niyang playground ang venue, namayagpag sa women’s100-meter backstroke sa 1:02.52 clocking patungo sa kanyang pangatlong gold medal, bukod pa sa dalawang pilak

Sinalya niya sina Mia Millar ng Thailand (1:02.52) at Flairene Candrea ng Indonesia (1:02.60) mga nag nagkasya sa pilak at tanso, ayon sa pagkakabanggit.

“Hindi ako makapagsalita, matagal na ang kompetisyon. Marami pa akong gagawing mga kaganapan, kaya dahan-dahan lang ako,” suma ni Sanchez sa Ingles. “Alam kong kailangan kong lumabas nang mabilis.”

“Pinipilit ko lang maging matatag at manatiling kalmado… Bukod pa rito, kaarawan ng tatay ko ngayon. Kaya gusto kong manalo ng medalyang ito para sa kanya, at manalo ng gintong iyon para sa Pilipinas.”

Nagbuhat ang dalawa pang dawang beses na Olympic medalist nagbuhat sa 100m freestyle at 4x100m freestyle relay noong Huwebes at Miyerkoles, nang landi kina Xiandi Chua, Chloe Esleta, at White sa kanilang 4x100m relay freestyle conquest para sa kauna-unahang ginto ng bansa sa event na iyon.

Nakuha rin niya ang dalawang pilak sa 50m backstroke at 200m freestyle.

May limang natitirang kumpetisyon pa si Sanchez, kabilang na ang 4x100m mixed medley, 50m freestyle, 4x200m free relay, 50m butterfly, at 4x100m medley relay, na naglalayong makakuha muli ng medalya para sa bansa.

Samantala, gold sa judo si Chino Tancontian, pati board skating sina Mazel Maris Alegado at Jericho Francisco Jr. sa men’s at women’s park ng skate boarding na nagtaas na sa 15 gold ng bansa. (Ramil Cruz)

The post Kayla Sanchez sinisid ika-3 ginto sa SEAG swimming first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments