WINALIS nina Mazel Paris Alegado at Jericho Francisco ang mga nakatayang gintong medalya sa pagwawagi sa women at men’s park event ng Skateboarding sa ika-33rd Southeast Asian Games sa Bangkok, Thailand.
Inangkin ni Francisco ang ginto Linggo ng umaga upang sundan ang nagawa ng 11-anyos na si Alegada nitong Sabado.
Ang US-based na si Alegado ay ang pinakabatang gold medalist sa SEA Games sa pagwawagi nito sa skateboard women’s park event.
Nangibabaw ang Pilipinas sa pagtatala ng 1-2 finish kasama ang kapwa batang talento na si Elizabeth Amador na umakyat din sa podium na may silver medal.
Nanguna ang skater na nakabase sa California si Alegado sa women’s park finals sa extreme skateboard noong Sabado sa Sports Authority of Thailand sa Bangkok sa pagtatala ng iskor na 79.72 upang talunin ang siyam na iba pang katunggali sa kaganapan.
Ang kapwa Philippine skater ni Alegado at ang 11-anyos na si Elizabeth Amador ay nakakuha ng pilak matapos siyang umiskor ng 72.03. Nasungkit ni Freya Santa ng Thailand ang bronze sa iskor na 64.13. (Lito Oredo)
The post Mazel Alegado, Jericho Francisco kuminang sa SEAG skateboarding first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments