Hinamon ng abogadong nagsampa ng reklamo laban kay Senador Francis “Chiz” Escudero na makabubuti pa umano kung bumitiw na lang sa kanyang puwesto si Senador JV Ejercito bilang chairperson ng Senate Committee on Ethics and Privileges kung ayaw niyang hawakan ang puwesto.
Ginawa ni Atty. Marvin Aceron ang pahayag sa kanyang Facebook post kasunod ng pahayag ni Ejercito sa isang panayam sa telebisyon na malaking ginhawa umano para sa kanya kapag inalis siya bilang tagapamuno ng komite.
Si Aceron ang naghain ng ethics complaint laban kay Escudero kaugnay ng natanggap nitong P30 milyong donasyon mula sa may-ari ng isang construction firm na may kontrata sa gobyerno.
Sabi ni Ejercito, kinuha lang niya ang chairmanship ng komite dahil walang ibang gustong humawak nito.
Binara naman ni Aceron ang naging pahayag ni Ejercito.
“Senator, if you never wanted the responsibility, then ‘go lang’ — step aside for someone who does,” giit ng abogado.
Nagpahayag ng pagkadismaya si Aceron dahil 347 katao aniya ang nagsampa ng reklamo sa komite ni Ejercito pero “go lang” ang naging tugon ng senador sa panawagan sa kanya na aksyunan na ang ethics complaint laban kay Escudero.
“347 citizens filed a complaint backed by a Constitutional Commissioner and a National Artist. They deserve better than “Go lang!” diin pa ni Aceron.
Dagdag pa ng abogado: “The Constitution doesn’t run on ‘Go lang!’ Kung ayaw, may dahilan. Kung gusto, maraming paraan. You’ve given us the dahilan. Now give us the “paraan” — resign as Ethics Committee Chairman,” sabi ni Aceron.
Una nang naghain ng hiwalay na reklamo si Aceron laban kay Ejercito dahil sa kawalang aksyon umano ng komite ng senador sa ethics complaint laban kay Escudero.
Matatandaang una na ring sinagot ni Ejercito na walang sapat na basehan ang ethics complaint laban sa kanya ni Aceron.
“How can I act on the complaints when I am the only one? Wala nga kaming members..There is no committee to speak of at the moment because it has not been formally manifested and complete in the plenary,” paliwanag ni Ejercito.
Sa pagbabalik ng sesyon ng Senado sa Lunes, Enero 26, inaasahan ni Ejercito na mabubuo ang mga miyembro ng komite.
Kailangan ng siyam na miyembro ang ethics committee: apat mula sa mayorya kabilang si Ejercito, dalawa sa minority at tatlong ex-officio.
“Wala pang committee. Hopefully when we resume it can already be read in plenary and constitute the ethics committee,” ani Ejercito.
Handa naman si Ejercito na mag-inhibit sa pagdinig ng reklamo laban sa kanya at kung sakali ay vice chairman ng komite ang magpi-preside sa ethics complaint laban sa kanya.
“I can inhibit siguro when the subject of my complaint will be taken. But I don’t think there’s really grounds for it because first of all, wala pang committee, it has not been manifested, it has not been completed. Paano ako nagkaroon ng negligence?” ani Ejercito.
The post Abogado Marvin Aceron kay JV Ejercito: `Lumayas ka sa ethics panel’ first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments