Gov Bonz Dolor binuking ang palyadong P420M flood control project sa Oriental Mindoro

Ibinunyag ni Oriental Mindoro Gov. Humerlito “Bonz” Dolor ang umano’y substandard na flood control project na nagkakahalaga ng P420 milyon sa Barangay San Andres, Naujan.

Ito’y matapos gumuho umano ang ilang bahagi ng road dike na dapat magsilbing proteksiyon ng mga residente laban sa pag-apaw ng Mag-Asawang Tubig River.

Ayon sa ulat, kabilang sa gumuho ang mahigit 100 metrong bahagi ng dike, na nadiskubre ni Dolor sa isinagawang inspeksiyon noong Enero 24 kasama si Naujan Mayor Henry Joel Teves at mga kinatawan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Mimaropa Region.

Ayon kay Dolor, dalawa umanong flood control project na may tig-P210 milyong halaga at parehong ginawa ng contractor na New Big Four J ang pumalya.

Sinabi ng gobernador na hindi sinunod ang inaprubahang disenyo ng DPWH dahil ang geotextile na dapat nasa loob ng istraktura ay inilagay umano sa labas, habang lupa lang ang ginamit sa loob imbes na matibay na filler.

Nadiskubre rin na ang sheet piles na dapat 12 metro ang haba ay tatlong metro lamang ang ibinaon sa lupa.

Dahil dito, sinabi ni Dolor na “kahit anong gawing pagpapatibay sa taas, babagsak at babagsak ang ilalim kasi ‘yung nagho-hold sa ilalim ay mahina. ‘Yun ang substandard.”

Dagdag niya, malaki ang naging papel ng depektibong dike sa naranasang matinding pagbaha sa Naujan at Victoria noong Disyembre ng nakaraang taon.

Nagpahayag naman ng pagkadismaya si Mayor Teves at sinabing matagal nang problema ng kanilang bayan ang pagbaha.

Kaya umaasa ang alkalde na matuloy ang dredging upang makatulong sa kanilang lugar. (Issa Santiago)

The post Gov Bonz Dolor binuking ang palyadong P420M flood control project sa Oriental Mindoro first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments