Naghain ng kasong civil libel si Batangas Rep. Leandro Legarda Leviste laban kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro nitong Biyernes ng umaga, Enero 16, sa Balayan Regional Trial Court.
Dumating si Leviste sa korte kasama ang kanyang abogado na si Atty. Ferdinand Topacio upang isampa ang reklamo na humihingi ng P110 milyong pisong danyos laban kay Castro.
Nag-ugat ang kaso sa mga pahayag ni Castro na paulit-ulit umanong sinasabing ibinenta ni Leviste ang kanyang solar firm na may prangkisa, bagay na mariing itinanggi ng kongresista.
“Magsasampa po ako ng kasong libel kay PCO Undersecretary Claire Castro for libelous statements dahil hindi ko po binenta ang kompanya na may prangkisa na sinabi niya multiple times na binenta ko ang prangkisa,” pahayag ni Leviste sa media.
Samantala, naniniwala si Castro na may mga taong gusto siyang pigilang magsalita tungkol sa mga isyung Pambansa kaugnay ng kasong isinampa laban sa kanya ni Leviste.
Ayon kay Castro, hindi pa niya natatanggap ang kopya ng reklamo ni Leviste.
Pero binigyang-diin ni Castro na ibinase niya ang kanyang tinalakay sa vlog na umano’y pagbebenta ni Leviste ng kompanya na may prangkisa mula sa pahayag ni Ombudsman Crispin Remulla.
Kinuwestiyon ni Castro kung maituturing bang may basehan ang pahayag ng Ombudsman habang ang kanyang mga inihayag na galing din sa Ombudsman ay libelous.
Inamin aniya ni Leviste na hindi na siya ang may-ari ng Solar Para sa Bayan na mayroong prangkisa dahil binitiwan na ang kanyang shares, na malinaw na siya mismo ang source. (Ronilo Dagos/Aileen Taliping)
The post Leandro Leviste niresbakan ng P110M libel case si Claire Castro first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments