Ang palitan ng pahayag nina Commodore Jay Tarriela ng Philippine Coast Guard at Chinese Embassy sa Maynila ay hindi isang simpleng sagutan lamang kung hindi ito ay pagtatangka umanong patahimikin ang Pilipinas at subukin ang katatagan na ipaglaban ang karapatan nito sa West Philippine Sea(WPS).
“Makatotohanang ebidensya at hindi propaganda ang inilalahad ng Coast Guard,” ani Dr. Jose Antonio Goitia. “Hindi nagiging mali ang katotohanan dahil lamang hindi ito kanais- nais sa iba.”
Ang mga pahayag ni Commodore Tarriela ay nakabatay sa opisyal na mga ulat, mga larawan, at dokumentaryo ng katotohanang mga insidente sa dagat. Hindi ito gawa-gawa lamang o haka-haka.
Giit pa ni Goitia na ang pagpapahayag ng katotohanan ay hindi lamang personal na aksyon ng opisyal dahil ito ay malinaw na polisiya ng administrasyon ni Presidente Bongbong Marcos Jr. na ihayag sa mga Pilipino ang totoong nangyayari na walang itinatago.
“Kapag hinihingi ang pananahimik ng isang opisyal,” paliwanag ni Goitia, “ang tinatamaan ay ang patakaran ng estado. Ang transparency ay hindi opinyon. Ito ay pagpapaakita ng paninindigan ng Pilipinas.
Lumampas na ang China sa hangganan ng diplomasya. Mula sa pahayag ng kanilang embahada, umabot ito sa hayagang babala ng Foreign Ministry ng Beijing, sa pamamagitan ng tagapagsalita nito, na ang mga opisyal ng Pilipinas at Coast Guard ay dapat tumigil sa kanilang pahayag o “pay the price”. Ito ay lantad na pananakot at hindi diplomasya.
“Ang soberanya ay pinangangalagaan sa batas at matatag na paninindigan,” diin ni Goitia.
Ang paglalahad ng katotohanan ay hindi paninira. Ito ay disiplina. Ito ay tungkulin. At ito ay hindi hihinto, ani Goitia na lider ng apat na organisasyon.
The post PCG idinepensa sa bardagulan vs China first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments