Hindi napigilang magmura ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon nang personal na maranasan ang malakas na pagyanig ng Mauca Bridge sa Camarines Sur habang nag-iinspeksiyon nitong Linggo, Enero 18.
Sa ulat ni Ian Maghanoy ng Bilyonaryo News Channel, nangyari ito nang dumaan sa Mauca Bridge na nasa Andaya Highway ang isang 10-wheeler truck na kargado ng mga bakal papuntang Bicol.
“Put*ng i*a delikado ‘to!” ang nasambit ng kalihim nang maramdaman ang pagyanig ng tulay.
Agad na ipinag-utos ni Dizon ang pagsusuri at pagkumpuni sa tulay dahil delikado sa mga motorista.
Mayroong mga netizen na nagkomento hinggil sa kalagayan ng tulay na yumayanig kapag dinadaanan ng malalaking sasakyan gaya ng cargo truck.
Komento ng isang netizen: “The Mauca Bridge in Lipid Camarines Sur is so dangerously shaking. Dapat tawagin itong Mauga Bridge o Tulay Uuga-uga. Napamura tuloy si Sec. Vince Dizon.” (Issa Santiago)
The post Vince Dizon napamura sa yumayanig na tulay sa Andaya Highway first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments