Nakaayos na ang entablado para sa 130 manlalarong maglalabo-labo para sa Philippine Golf Championship na ihahatid ng Philippine Sports Commission, magbubukas sa 31st Asian Tour 2026 sa Pebrero 5-8 sa East Course ng Wack Wack Golf and Country Club sa Mandaluyong.
Kabilang sa mga mangungunang manlalaro na inaasahang asabak sina dating Order of Merit winner John Catlin at Sihwan Kim ng Estados Unidos, Jazz Janewattananond ng Thailand at iba pa, sa kaganapan na nag-aalok ng premyong $500,000 mula sa AT at National Golf Association of the Philippines.
Suportado ng PSC sa ilalim ni chairman Patrick Gregorio, ang torneo ang ikalawang sunod na taon na ang bansa ang magho-host ng season-opening event ng Asian Tour, naglalagay rito bilang isang regional golfing powerhouse.
“Ang pagiging host ng season opener ng Asian Tour sa ikalawang sunod na taon ay nagpapakita ng tiwala ng pandaigdigang komunidad ng palakasan sa Pilipinas,” sa sa Ingles ni Gregorio nitong Lunes.
“Ang Philippine Golf Championship ay perpektong naaayon sa aming pananaw na gamitin ang mga malalaking kaganapan upang magbigay-inspirasyon sa kahusayan, itaas ang antas ng mga atletang Pilipino, palakasin ang sports tourism at pandaigdigang profile ng bansa sa sports,” dagdag niya.
Gigiyahan nina Aidric Chan at Carl Jano Corpus ang laban ng mga Pinoy sa PGC, na walang iba kundi si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang sumang-ayon sa paligsahang ito, katulad ng mga proyekto ng National Sports Tourism Inter-Agency Committee, na pinamumunuan din ni Gregorio.
Kabilang dito ang FIVB Men’s World Cup, Futsal World Cup, at World Junior Gymnastics Championships noong isang taon, at ang mga katatapos lang na pandaigdigang surfing classic, at WTA 125 Philippine Open.
Tulad ng mga nakaraang pandaigdigang paligsahan sa sports, nagbibigay ang Philippine Golf Championship ng mataas na kalidad na kompetisyon para sa mga manlalaro ng golf sa ‘Pinas.
“Kaya ng mga manlalarong Pilipino na makipagkumpitensya laban sa pinakamahuhusay sa mundo,” hirit ni Gregorio.
“Napatunayan na natin iyan nang paulit-ulit. Ang Pilipinas bilang destinasyon ng golf ay maihahambing din sa pinakamahusay sa buong mundo. Ang golf ang magiging isa sa mga haligi ng ating mga pagsisikap sa sports tourism. Ang PSC at NST-IAC ay makikipagtulungan nang malapit sa NGAP upang matiyak na magtatagumpay tayo,” dagdag niya.
Tungkol naman sa NGAP, ipapakita ng kaganapan ang talento ng mga manlalarong Pilipino. Kamakailan, parehong nagwagi ng titulo sa Asian Development Tour sina Aidric Chan at Carl Jano Corpus.
“Sa malapit na pakikipagtulungan sa Asian Tour, ipinagmamalaki naming ipakita ang ating mga manlalaro, mga course, at ang kakayahang mag-organisa ng mga kaganapan sa buong mundo,” ani NGAP chairman Alfredo Panlilio.
Ang paligsahan ay hindi lang magbibigay-pugay sa ating mayamang pamana sa golf kundi isang inspirasyon din para sa susunod na henerasyon ng mga manlalaro ng golf sa bansa.
Magtatampok din ang kaganapan ng mga dating kampeon ng Asian Tour na sina Suteepat Prateeptienchai, Poosit Supupramai, Ekpharit Wu, Rattanonn Wannasrichan at Sadom Kaewkanjana ng Thailand, Jbe Kruger ng South Africa, Hongtaek Kim ng Korea at Lee Chieh Po ng Chinese Taipei.
Mula sa Pilipinas, kabilang sa 25 propesyonal na inaasahang lalahok ang mga dating kampeon ng Philippine Open na sina Angelo Que, Clyde Mondilla, at Gerald Rosales, gayundin si Antonio Lascuna, isang limang beses na nagwagi ng Philippine Golf Tour OOM.
Sasamahan sila ng 16 inanyayahang lokal na manlalaro, at anim na pambansang amateur. Bukas ang paligsahan sa lahat ng tao at malugod na tinatanggap ang mga manonood.
Maglalaro rin ang Fil-Am na si Justin Delos Santos, isang regular sa Japan Tour, at ang Fil-Brit na si Enrique Dimayuga, isang natatanging manlalaro sa NCAA at kampeon sa indibidwal na kategorya ng Putra Cup.
Sinabi ni AT Commissioner Cho Minn Thant, na ang paligsahan ang muling magbibigay ng perpektong plataporma para simulan ang taon ng pro sports sa kontinente.
“Habang papalapit na tayong naipahayag ang buong iskedyul natin para sa taong ito, lubos na natutuwa ang Asian Tour na kumpirmahin na ang Philippine Golf Championship ang magbubukas ng 2026 season,” lahad niya sa Ingles.
“Nagsimula rin kami nang malakas noong nakaraang taon sa Maynila, sa Philippine Open, at buong sigla kaming babalik drito upang simulan ang isa pang season na puno ng pag-asa at oportunidad.
“Nagpapasalamat kami sa aming mga kaibigan sa NGAP sa kanilang patuloy na pagtitiyaga, at lalo kaming natutuwa na makabalik sa Wack Wack, isang espesyal na lugar na puno ng mga alaala at kung saan palaging dapat igalang ang par,” panapos na sey ni Cho. (Lito Oredo)
The post Aidric Chan, iba pa palaban sa PH Golf Championship first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments