Pauline Del Rosario, 15 pa kasado sa Ladies Masters

Pangunahan nina Pauline Del Rosario at Dottie Ardina ang determinadong 16 na pambato ng bansa pagsambulat ng $200,000 2nd ICTSI Philippine Ladies Masters 2026 sa Miyerkoles (Pebrero 4) sa Summit Point Golf and Country Club sa Lipa, Batangas.

Sasabak sila sa tatlong araw na labanan ng kasanayan, lakas ng loob, at pagiging kampeon laban sa mga piling manlalaro at mga bagong bituin ng Asia.

Bagong-bago mula sa masinsinang paghahanda sa offseason, papasok ang dalawang Epson Tour campaigner sa kaganapan na matatalas at desidido, na atat isalin ang mga lumalaking karanasan sa internasyonal sa isang malaking tagumpay sa sariling bayan.

Sa pagbabalik ng developmental circuit ng LPGA Tour sa susunod na buwan, mas mainam ang oras na ito para masubukan ng mga Pinay ang kakayahan laban sa isang matinding internasyonal na grupo.

May hindi natapos na gawain si Del Rosario, ang unang Pilipinang nanalo sa Taiwan LPGA Tour noong 2017, dito. Siya ang nanguna sa mga lokal na nakatapos noong nakaraang taon, nakatabla sa ikaapat sa The Country Club, at ngayon ay babalik na mas may karanasan, nakatuon, at gutom na magtagumpay.

Si Ardina naman may parehas na target. Isang dating nangungunang manlalaro sa Ladies Philippine Golf Tour bago magsimula sa matagumpay na kampanya sa ibang bansa, nakuha niya ang kanyang unang Epson Tour title noong 2022 at kinatawan ang bansa sa 2024 Paris Olympics.

Kakasa rin sina Florence Bisera, Chanelle Avaricio, Daniella Uy, Mafy Singson, Sam Bruce, Tomi Arejola, Princess Superal, Sarah Ababa, Harmie Constantino, Martina Miñoza, Marvi Monsalve, at iba pa.

Inorganisa ng Pilipinas Golf Tournaments, Inc., at sinang-ayunan ng LPGT, TLPGA, at Asia Golf Leaders Forum, ang kaganasan ay magtatampok sa kabuuang126 na manlalaro. (Abante Tonite Sports)

The post Pauline Del Rosario, 15 pa kasado sa Ladies Masters first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments