Higit 60 contractor kandidatong ma-blacklist

Mahigit sa 60 contractor ang namemeligrong ma-blacklist at posibleng hindi na makakuha ng kontrata mula sa gobyerno dahil sa flood control scam.

Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, ito ang report ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa harap ng patuloy na imbestigasyon sa mga nangulimbat sa pondo ng gobyerno.

Ayon kay Castro, nagpapatuloy ang proseso para i-blacklist ang mga contractor na sangkot at nakipagsabwatan sa maanomalyang proyekto ng gobyerno sa pamamagitan ng Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB) at DPWH.

“Ayon sa DPWH ay hihigit sa 60 contractors ang maaaring i-backlist,” ani Castro.

Sinabi ni Castro na apat na contractors ang nabawi na ang lisensiya at 16 na iba pa ang nagpapatuloy ang proseso para mailagay sa blacklist dahil sa pagkakasangkot umano sa maanomalyang proyekto.

Sa kabila ng nabanggit na bilang, sinabi ni Castro na hindi mauubusan ng contractors dahil marami pa rin ang matitino at maayos na nagtatrabaho.

Matatandaang pina¬ngalanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 15 contractors na nakakuha ng maraming proyekto sa gobyerno noong inilunsad ang “Sumbong sa Pangulo” website subalit hindi batid ni Castro kung kasama ang mga ito sa na-blacklist na at nakalinyang ma-blacklist ng gobyerno.

Kabilang sa mga nakaladkad sa flood control scandal ay ang mag-asawang kontratistang sina Curlee at Sarah Discaya. (Aileen Taliping)

The post Higit 60 contractor kandidatong ma-blacklist first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments