Kamara tatalupan ilegal na pabrika ng yosi

Mahuhubaran na kung sino ang mga nasa likod ng mga ilegal na pagawaan ng sigarilyo sa Pampanga na nadiskubre at binuwag ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Ito ang layon ng House Resolution (HR) 788 na inakda ni Pampanga 3rd District Rep. Mica Gonzales kung saan inaasahan nito ang mga kaukulang komite sa Kamara de Representantes na magsagawa ng imbestigasyon sa ilegal na pagawaan ng sigarilyo sa kanilang probinsya.

“House Resolution No. 788 seeks to investigate and identify the people behind these operations, specifically the financers, masterminds and protectors of this organized crime,” ayon sa ihinaing resolusyon.

Magugunita na apat na ilegal na pagawaan ng sigaril¬yo ang nadiskubre ng DILG sa Barangay Panipuan at San Jose Malino sa Mexico at maging sa City of San Fernando, Pampanga.

Nakakumpiska ang DILG ng mga ilegal na sigarilyo at makina na nagkakahalaga ng P400 milyon na ayon sa mambabatas ay tinatayang P150 milyong produkto ang nagagawa ng sindikato sa kanilang operasyon araw-araw.

“This illegal activity results to a loss of about 30 billion pesos in excise tax revenue,” ani Gonzales kaya dapat aniyang imbestigahan ito nang mabuti at malaman kung sino ang mga nasa likod ng ilegal na operasyong ito. (Bernard Taguinod)

The post Kamara tatalupan ilegal na pabrika ng yosi first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments