May pangako ang bagong owner ng Trail Blazers sa season ticket holders ng team: Klaro ang intensiyon niyang mag-uwi ng kampeonato sa Portland.
Binida ito ni billionaire Tom Dundon sa bisperas ng preseason opener ng Blazers laban sa Golden State Warriors.
Sa letter na nakuha ng iba’t ibang Portland media members, ibinida ni Dundon ang tagumpay ng nakaraang season tulad ng unang balik ng Blazers sa playoffs sa unang pagkakataon sa nakalipas na limang season.
Pinuri din niya ang development nina young players Deni Avdija, defenders Toumani Camara, Donovan Clingan, at dating No. 3 pick Scoot Henderson. Solido rin aniya ang kontribusyon nina veterans Jrue Holiday at Robert Willams III.
Ipinagdiinan ni Dundon ang sorpresang offseason trade para makuha si dating Memphis Grizzlies guard Ja Morant, at ang inaabangang balik ni franchise icon Damian Lillard.
Buong 2025-26 na nagarahe si Lillard habang nagpapagaling mula ruptured Achilles tendon. Bago na rin ang head coach, si Micah Nori.
“The expectation is straightforward: Compete every night and take another step forward,” bahagi ng sulat. “No shortcuts.”
Binili ni Dundon ang Blazers sa halagang $4.25 billion noong March.
Pero maraming bumabatikos sa new owner, tinapyasan ang budget sa travel at accomodations ng players sa first round ng nakaraang playoffs kontra San Antonio Spurs.
Pagkatapos ng season, maraming staffers ang tinanggal niya sa trabaho. Isang taon nga lang ang guaranteed term ni Nori.
Sigurado, babantayan ng mga miron si Dundon kung magkakatotoo ang mga kuda niya. (Vladi Eduarte)
The post Tambalang Damian Lillard, Ja Morant markado sa marami first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments