Babaeng nagbenta ng 11-day old baby, guilty

Guilty ang hatol ng Quezon City Regional Tria­l Court laban kay Mary Grace Espinar Dalayday dahil sa pagbebenta ng isang 11-day old na sanggol.

Inihain ang kaso ng Department of Justice matapos maaresto ang babae noong nakaraang taon dahil sa umano’y ilegal na bentahan ng mga bata online.

Ayon sa ulat ng pulisya, nahuli si Dalayday habang isinasagawa ang bentahan ng isang 11-day old na batang lalaki sa halagang P50,000. Dalawang counts ng paglabag sa RA 7610 o ang “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act” ang ipinataw sa kanya.

Walang piyansa ang kaso at posibleng makulong si Dalayday ng hanggang 12 taon sa bilangguan. Samantala, nakum­piska ng mga awtoridad ang sanggol at kasaluku­yang nasa pangangalaga ng social welfare office habang isinasagawa ang legal na proseso para sa kanyang proteksyon at kaligtasan.

Patuloy ang kampanya ng pamahalaan laban sa human trafficking at iba pang uri ng child exploitation, na naglalayong tiyakin na ang mga kabataan ay ligtas at protektado laban sa anumang uri ng pang-aabuso. Ayon sa DOJ, ang naturang kaso ay magsisilbing babala sa publiko laban sa ilegal na bentahan ng mga bata sa bansa. (Isaiah Mirafuentes)

The post Babaeng nagbenta ng 11-day old baby, guilty first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments