Angelo Young pinarangalang takmau sa chess ng ERJHS

Napabilang si International Master Angelo Young na isa sa “10 Pinakamahusay na Alumni” sa taong 2026 ng Eulogio Rodriguez Jr. High School para sa larangan ng sports.

Tinanggap niya ang gawad-parangal noong Peb. 28 bilang bahagi ng pagdiriwang sa ika-74 na Anibersaryong Pagkakatatag ng ERJHS sa Mayon Ave., Quezon City.

Swak si Young, isang miyembro ng Batch 1980, sa kaganapan pagkakampeon sa1982 Philippine National Junior Chess Championship at isinukbit ang IM chess title sa loob ng rekord na 21 araw.

Pumanglima siya sa 138 kalahok sa 2019 World Seniors Chess Championships sa Bucharest, Romania, nagkampeon sa Chicago Open at dalawang beses na nag-MVP sa Chicago Blaze sa US Chess League nang manirahan dati sa Estados Unidos.

Sa pagbabalik sa ‘Pinas naging trainer siya ng Emilio Aguinaldo College sa NCAA at itinatag ang Young Chess Academy.

Ngayo’y 63 taong gulang na, ikalawang karangalan ito ni Young mula sa ERJHS. Noong 2016 swak naman siya sa ERJHS Alumni Sports Club Hall of Fame, kasama ang ilang pili pang mga natatanging nagtapos sa paaralan na mga umangat sa sports.

Ang iba pang mga natatanging alumni ng ERJHS sa taong ito ay sina Elmer Hernandez ng Batch 65 (government service/engineering), Patria Cabatuando-Rivera ng Batch 66 (arts at literature), Atty. Moises Samson (public service/law); Joselito Caleon ng Batch 73 (architecture/photography), Dr. Esperanza Oblena-Cayanan ng Batch 75 (government service/science), Maria Teresa Vallester-Montalbo ng Batch77 (public service), Dante Sauquillo ng Batch 82 (education/science), Dr. John Winston Gonzales ng Batch 84 (medicine/psychology); at Lorenzo Lorenzo ng Batch 87 (education/business management).

Sina ERJHS Alumni Association president Ramon Ferreros at secretary Ed Andaya ng People’s Tonight ang nanguna awarding ceremony. Kasama sina ERJHS principal Ernest Ferrer at Kat Almero ng I-Skin Aesthetic Lifestyle. (Abante Tonite Sports)

The post Angelo Young pinarangalang takmau sa chess ng ERJHS first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments