
Naniniwala si Bela Padilla na may tamang panahon ang lahat ng bagay.
Kumbaga, pinaniniwalaan niya ang kasabihang ‘kung hindi ukol, hindi bubukol.’
Nananalig din siya sa kapangyarihan ng pagtitiyaga at panalangin.
Katunayan nang mapanood niya raw noon ang Korean adaptation ng Japanese series na “Pure Soul”, sobra raw siyang tinamaan sa kuwento nito.
Na-obsess din daw siya na kung sakali mang may gagawa ng bersyon nito sa Pilipinas ay siya na ang magprisinta.
Kaso, kahit may mga kamag-anak daw siya sa showbiz, kailangan pa rin niyang ilako ang sarili sa mga produ.
Eventually, napunta raw ang proyekto kina Bea Alonzo at Alden Richards.
Nang magkaroon daw naman ng problema sa project, in-offer daw naman ito sa isang aktres na hindi niya pinangalanan.
Matatandaang napabalita noon na si Julia Barretto ang second choice sa nabanggit na proyekto na kung anong kadahilanan ay hindi rin natuloy.
Sa panayam naman kay Bela sa isang vlog, inamin niya na sumama ang loob niya umano sa Viva dahil iba ang unang kinunsidera sa replacement.
Gayunpaman , nang magkaroon daw ng bagong casting ang pelikula, natuwa raw siya dahil finally ay sa kanya napunta ang role ng babaeng may onset ng early Alzheimer’s.
Pak!
The post Bela Padilla muntik nang iligwak ni Julia Barretto first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments