Posible umanong umabot sa P80 kada litro ang presyo ng diesel dulot ng tumitinding tensiyon sa Gitnang Silangan.
Inihayag ito ni Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad sa pagdinig ng Senado nitong Biyernes, Marso 6.
Ayon kay Abad, maaaring umabot sa P80 kada litro ang presyo ng diesel kung isang bagsakang ipapatupad ng mga kompanya ng langis ang buong pagtaas sa pandaigdigang presyo ng langis.
Ngunit ang “staggered adjustments” ay maaaring magpagaan sa epekto nito sa mga mamimili, paliwanag ni Abad.
“Kung mag-implement lang sila, spread out nila for two weeks, then kalahati lang po nung increase ang maipapatupad,” wika ni Abad kaugnay sa posibleng price adjustments ng mga kompanya ng langis.
Dagdag pa ni Abad, maaari ring tumaas ang presyo ng gasolina, ngunit posibleng umabot lamang sa P60 kada litro sa ilalim ng staggered adjustment scheme.
“Iyan ho ang estimate but of course, we’re waiting for the actual implementation ng oil companies at for the longest time, ine-emphasize ho natin na ginawa na ito before na nag-staggered price adjustment ang oil companies in the case of Ukraine-Russia… ganoon din po sa gasolina,” pahayag ni Abad sa pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations.
Sabi pa ni Abad, hinihimok ng DOE ang mga kompanya ng langis na isaalang-alang ang “staggered price increases” o unti-unting pagtaas ng presyo upang maibsan ang pasanin ng mga motorista. (Issa Santiago)
The post DOE inalarma taas-presyo ng diesel sisirit sa P80 kada litro first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments