Erwin Tulfo `sinabon’ ang DFA, DMW, OWWA sa palyadong OFW hotline

Sinermunan ni Senador Erwin Tulfo ang mga opisyal ng ilang ahensiya ng gobyerno matapos makatanggap ng mga ulat na hindi gumagana ang kanilang mga hotline.

Dahil palyado ang hotline, hindi sila makontak ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa gitna ng tumitinding tensiyon sa Gitnang Silangan.

Binigyang-diin ni Tulfo, chairperson ng Senate Committee on Foreign Relations, sa mga tauhan ng Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na dapat silang maging accessible sa mga Pilipinong humihingi ng tulong.

“Kayo po ang takbuhan ngayon. Kayo po ang representative ng gobyerno natin. Trabaho n`yo `yan. Asikasuhin ninyo ang mga kababayan natin. Kailangan nila ng moral support at this very moment,” pahayag ni Tulfo sa isang press conference nitong Huwebes, Marso 5.

Ayon pa kay Tulfo, tumugon lamang ang mga kinauukulang tanggapan matapos niyang personal na kontakin ang mga pinuno nito.

Nagbabala siya na ang hindi pagtupad sa kanilang mga tungkulin, lalo na sa panahon ng emergency, ay nagpapahina sa tiwala ng mga Pilipinong umaasa sa tulong ng gobyerno sa ibang bansa.

“Ngayon kung tatawag sila sa telepono at wala kayo diyan, ano na lang? Papaano na lamang? Magtatanong sila, ‘Gusto na namin mag-evacuate.’ (Pero) wala silang makausap. Sino kakausapin?” diin ng senador.

“Kailangang-kailangan kayo ng mga kababayan natin. Gawin ninyo ang trabaho ninyo. Hindi ‘yung magpasarap-sarap lang kayo diyan. Nu’ng walang giyera, nandiyan kayo sa Dubai. Pasyal dito, pasyal doon. May mga allowances. Ngayong giyera na, kasama sa trabaho ninyo ‘yan,” giit pa niya. (Issa Santiago)

The post Erwin Tulfo `sinabon’ ang DFA, DMW, OWWA sa palyadong OFW hotline first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments