Malacañang nawindang sa mga inarestong Pinoy na Chinese spy

Inalarma ng Malacañang nitong Huwebes, Marso 5, ang lahat ng mga ahensiya ng gobyerno kasunod ng nadiskubre ng National Security Council (NSC) na espionage operations sa Pilipinas na konektado umano sa China.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, kailangan maging alerto ang mga tanggapan ng pamahalaan para sa seguridad ng mga hawak na sentibong impormasyon laban sa mga banta sa pambansang seguridad.

“Ang paalala ng Palasyo sa lahat ng nasa gobyerno ay maging maingat at mapanuri,” sabi ni Castro sa isang pahayag. “Bantayan ninyo ang inyong mga opisina, protektahan ang mga sensitibong impormasyon ng pamahalaan, at tiyaking hindi ito makokompromiso ng mga aktor na maaaring magdulot ng banta sa pambansang seguridad.”

Base sa ulat, tatlong defense personnel na umano’y nag-eespiya para sa China ang naaresto ng mga awtoridad.

Ayon sa National Security Council, nagtatrabaho ang tatlong personnel sa Department of National Defense, Philippine Navy, at Philippine Coast Guard. Inaresto sila sa ilalim ng Insider Threat Program.

Inilarawan ng NSC ang naturang kaso na seryosong banta sa pambansang seguridad lalo pa’t mga Pilipino mismo ang sangkot sa pag-eespiya diumano para sa Chinese intelligence.

The post Malacañang nawindang sa mga inarestong Pinoy na Chinese spy first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments