Tiniyak ni dating Gabriela party-list Rep. Liza Maza na susuportahan nila ang aktres na si Anne Curtis kung magsasampa ito ng hiwalay na kaso sa korte laban kay Quezon City Rep. Jesus Manuel “Bong” Suntay.
Ginawa ni Maza ang pahayag matapos pormal na sampahan ng reklamo si Suntay sa House Committee on Ethics and Privileges nitong Huwebes, Marso 5, upang maturuan aniya ng leksyon ang mambabatas na igalang ang mga kababaihan.
Ayon kay Maza, itinuloy nila ang pagsasampa ng reklamo laban kay Suntay dahil mistulang hindi seryoso ang paghingi nito ng dispensa kay Curtis at sa mga kababaihan na nasaktan dahil itinuring nitong sex object ang isang babae.
“Ang importante kasi dito ngayon ay dapat malaman ni Congressman Suntay at sinumang opisyales ng ating gobyerno na hinding hindi makakapayag ang mga kababaihan na patuloy silang pinahihirapan, patuloy silang tingnan bilang parausan at patuloy silang idegrade at gawing biro ng sinuman lalong lalo na ang mga kalalakihan na nasa mataas na posisyon pa naman ng ating gobyerno,” giit pa ni Maza. (Bernard Taguinod)
The post Gabriela: QC Congressman Bong Suntay hindi seryoso sa pag-sorry first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments