Hamon sa Patakarang Panlabas ng Pilipinas

Mga Kaabante, sa ating programang DWAR Abante Radyo – Walang Atrasan noong Marso 13, nakapanayam natin si Prof. Clarita Carlos, dating National Security Adviser at kilalang political analyst. Isa sa mga mahalagang punto ng atingusapan ay ang posibilidad ng mas malapit naugnayan ng Pilipinas sa Shanghai Cooperation Organization (SCO).

Binanggit ni Prof. Carlos na matagal na niyangisinusulong ang konsepto ng multi-alignment at strategic autonomy—na ang Pilipinas ay hindidapat kumiling lamang sa U.S. o China, kundi sasariling pambansang interes. Dito pumapasok ang usapin ng SCO, isang organisasyongpinamumunuan ng China at Russia, na lumalawakna rin sa larangan ng seguridad, ekonomiya, kultura, at humanitarian cooperation. Kabilang narito ang India, Pakistan, Iran, at Belarus, at may interes din ang ilang bansa sa ASEAN.

Kung titingnan, malaki ang potensyal ng SCO. Kinakatawan nito ang halos kalahati ng populasyonng mundo at malaking bahagi ng global GDP. Ang mas malapit na kooperasyon dito ay maaaringmagbukas ng bagong oportunidad sa ekonomiya at seguridad, lalo na sa panahon ng tumitindingbanta ng terorismo at ilegal na kalakalan ng drogaat armas. Tulad ng binanggit ni Prof. Carlos, dapatnating palawakin ang ating mga ugnayan at huwagmanatiling hawak sa leeg ng iisang kapangyarihan.

Ngunit hindi rin maikakaila ang komplikasyon. Ang SCO ay nakikita bilang alternatibo sa mga alyansang U.S. gaya ng QUAD at AUKUS. Kung lalapit ang Pilipinas sa SCO, paano natin babalansehin ang matagal na nating relasyon sa Amerika? Ito ang hamon na binigyang-diin ni Prof. Carlos: ang pagpapanatili ng balanseng ugnayan sa lahat ng panig, habang inuuna ang interes ng bayan.

Kung ang SCO ay makapagbibigay ng dagdag nalakas laban sa terorismo at oportunidad saekonomiya, dapat itong pag-aralan nang mabuti.

Ang panawagan ni Prof. Carlos ay simple ngunitmatibay: multi-alignment ang tanging landas nadapat tahakin ng Pilipinas. At kung ang SCO ay bahagi ng estratehiyang ito, dapat natingtimbangin ang lahat ng benepisyo.

The post Hamon sa Patakarang Panlabas ng Pilipinas first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments