Jojo Mendrez, Ronald Carballo nagsagutan sa ‘Showbiz Pulis’ ng Abante

Buong tapang na nagsalita ang Revival King na si Jojo Mendrez tungkol sa diumano’y ‘pambabastos’ sa kanya ni direk Ronald Carballo.

Pareho kasing naging guest ng host na si Roldan Castro sina Jojo at direk Ronald sa kanyang show na “Showbiz Pulis” ng Abante.

Hindi nila inatrasan na sagutin ang issue tungkol dito.

Sey ni Jojo , “Kasi nag -message siya sa akin, nag- invite siya na mag -guest ako sa kanyang “DIREKwentuhan. Hindi muna ako nag -yes, nag- consult muna ako sa manager ko kay Rams David, sabi ko, Rams, pwede ba ako mag -guest kay Ronald Carballo, ang sabi sa akin ng manager ko, ‘sigurado ka,’ parang ganoon, Sabi ko bakit? Kasi ano ‘yun, eh direktang mga questions ‘yun.

“ Sabi ko, wala naman akong kailangang itago, okay lang sa akin. So, pinayagan niya ako.Nag shoot kami sa isang sa Luxent Hotel, Quezon City. Shinoot ako going up lahat ng ganoon maganda ‘yung treatment, walang problema.

“First time ko pang na -meet si Direk Ronald. First time, kaya nu’ng medyo hindi ako comfortable, may distansya pa, kasi parang hindi kami properly introduced. Sinabi ko nga sa kanya. Direk first time kitang nakita, nakilala ganun. Siyempre kung kakilala ko siguro ‘yung nagtanong sa akin mas mauunawaan ko .Tapos may mga question na parang hindi ko kayang matanggap (gaya kay Mark Herras). Wala akong nagawa nu’ng time na ‘yun. Ayaw kong sabihing bastos ako. Alam mo na , ang arte naman nito, ayaw kong mag- cut,” patuloy niya.

“Pagkatapos ng shoot, siyempre napaka- warm, picture, picture. Alangan namang pagkatapos noon ay umalis na ako . Siyempre , bilang performer, bilang artist, kahit masama ang loob mo (maging nice pa rin)

“Pagtulog ko na ng gabi, pag-uwi ko na ng bahay. Sabi ko there’s something wrong . Parang may mga maling naitanong sa akin. Hindi ko na matandaan ang mga sinagot ko,” aniya.

“So, tumawag ako sa kanya, nag- message ako sa kanya, direk is it okay huwag na nating ilabas ang interview, the whole interview. Eh sabi niya sa akin eh, ay hindi pwede Jojo ‘yun, kasi meron akong producer. So, sabi ko , anong pwede kong gawin para hindi ilabas ang buong interview . Ayun sabi ko bayaran ko na lang ‘yung entire production, walang problema sa akin. Ayaw niya pumayag,” malungkot niyang kuwento.

“Kaya ang ginawa ko tinawagan ko ‘yung friend ko, si Claudine Barretto, I ask her, narinig ko na kumpare niya si Direk Ronald. Kaya sabi ni Claudine huwag ka mag-alala kapatid , ako na ang kakausap sa kanya, kasi ninong siya ni Sabina at gagawan ko ‘yun ng paraan. Siguro ang tamang gawin natin diyan ay ako na lang ‘yung interbyuhin, ipalit. Tinawagan niya si Direk Ronald , hindi ko alam ang pinag-usapan nila. Nagtataka ako bakit gustung-gustong ilabas, na babayaran ko naman na para huwag na lang ilabas . Wala namang kabawasan sa kanya kung hindi niya ako ipalabas kasi , hindi naman ako ‘yung tipong malaking artista ,” dugtong niya.

Eto naman ang bersyon ng kwento ni direk Ronald:

“Talagang image ko na ‘yun na mataray akong magtanong, straight forward akong magtanong, sinagot niya namang lahat na parang tell all, napag- tell all ko siya sa mga tanong ko. Nagulat na lang ako, 1 morning after naming gawin ‘yung interview altbough na March 28 pa ang showing niya. tumawag siya sa akin personally. Naunawaan ko, ang message niya sa akin na ‘huwag nang i-air kasi feeling ko may masasagasaan ako. Na-realize ko lang after the interview. Pero ano, sana lang huwag mo nang ipalabas.’ So, sinabhan ko siya na I cannot do that.”

“ Hindi mo i-edit ‘yung mga pakiusap niya? ” tanong ni Roldan.

“Wala. Ang point ko lang hintayin n’yo pong maipalabas at kayo ang humatol kung may nagawa po akong masama, Kung may bastos akong tanong, kasi kine-claim niya na parang may bastos akong tanong. Diyos ko sa tagal ko ba naman, 45 years na ako sa showbiz walang sino mang malaking artista ( na binastos niya sa interview). Ang bottom line nito Roldan, in-interview ko siya ng kusang loob hindi naman siya bata, so tinanong ko siya, ako ‘yung nag-interview eh, so tinatanong ko siya.Puwede namang hindi siya sumagot or mag walk-out na siya habang nandoon siya, ” pagdidiin ni direk Ronald.

Nagbanta si Jojo na idedemanda si direk Ronald kung ipapalabas niya ang naturang interview. Ang sagot ng huli magharap na lang sila sa korte.
Hindi rin inurungan ni direk Ronald ang sinabi ni Jojo na “I respect interviews and media conversation, but there should also be respect for personal boundaries.”

Pakli ni direk Ronald, dapat daw ay marunong ding rumespeto si Jojo sa mga nage-interview.

Panoorin ang buong panayam ni Roldan kina Jojo at Direk Ronald sa ‘Showbiz Pulis’ sa DWAR Abante Radyo FB page at YouTube.

Napapanood at napapakinggan din ito tuwing Sabado at Linggo, 2PM sa sa DWAR 1494, SKYCable Channel 85, Converge Channel 79, TCL Smart TV, Blast TV, K5 News FM, Samsung TV Plus, Parasat Cable TV in Mindanao, KAPPit-bahay, Amasian TV North America.

The post Jojo Mendrez, Ronald Carballo nagsagutan sa ‘Showbiz Pulis’ ng Abante first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments