Nag-donate ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng isang dosenang mechanical ventilators sa limang pampublikong ospital sa Bohol.
Sa ilalim ng PCSO Medical Equipment Donation Program, ipinamahagi ang mga ventilator sa Garcia Memorial Provincial Hospital, Teodoro B. Galagar District Hospital, Cong. Simeon G. Toribio Memorial Hospital, Catigbian District Hospital, at Francisco Dagohoy Memorial Hospital.
Ayon kay PCSO General Manager Melquiades “Mel” Robles, layunin ng kanilang donasyon na palakasin ang serbisyong pangkalusugan sa naturang lalawigan.
Dagdag pa ni robles, target ng donasyon na mailapit ang serbisyong medikal sa mga komunidad, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Malugod namang tinanggap ni Bohol Governor Aris Aumentado ang mga donasyong ventilators ng PCSO at sinabing malaking tulong ito sa kanilang paghahanda sa mga ospital para sa mga emergency.
Bukod dito, nagbigay din ang PCSO ng halos P300,000 bilang bahagi ng lotto shares ng lalawigan.
Inaasahan naman na mapapabuti nito ang agarang serbisyong medikal para sa mga residente ng Bohol.
“Padala po ito ni President Ferdinand Marcos Jr.,” ayon pa kay Robles sa turnover ceremony. “Laging bilin niya sa amin that government should go to the people.”
Diin pa niya na kailangang ihatid ang serbisyong pangkalusugan sa lahat ng mamamayan na walang halong politika.
The post PCSO nag-donate ng 12 mechanical ventilators sa 5 public hospital sa Bohol first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments