Arestado ang isang Pinoy na wanted umano ng Federal Bureau of Investigation (FBI) sa $100 milyong scam matapos mahuli sa isang buy-bust operation dahil sa ilegal na pagbebenta ng replica ng baril sa Mandaue City, Cebu.
Ayon sa Police Regional Office Central Visayas (PRO-7), isinagawa ang operasyon noong Miyerkoles, Marso 11, sa tindahan na Gialmor Hobbyshop sa Barangay Subangdako.
Nahuli ang kinilalang suspek na si Morris John Olivares Buaya, 46, residente ng Barangay Banilad, matapos makipagtransaksiyon sa undercover operative para sa pagbebenta ng replica ng baril.
Kabilang sa mga nasamsam sa buy-bust ang isang Glock 17 Austria airsoft gun replica, isang magazine ng Glock 17 airsoft, isang pakete ng airsoft pellets, at iba pang ebidensiya na ginamit sa transaksyon.
Narekober din umano sa tindahan ang 31 airsoft pistol, 14 airsoft pistol magazine, 10 electric rifle, at pitong electric rifle magazine.
Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek upang ihanda ang pagsasampa ng kaso kaugnay ng paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Samantala, sa hiwalay na impormasyon, iniulat din na si Buaya ay isang wanted na indibidwal ng FBI. (AM)
The post Pinoy wanted ng FBI sa $100M scam, timbog first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments