Lloyd Josafat, King Crunchers wawalisin uli ang Protectors

Mga laro ngayon

(Filoil Playtime Centre)

3 p.m. -3B vs VNS

5 p.m. – Criss Cross vs Alpha Insurance

Punung-puno ng kumpiyansa, papasok ang Criss Cross sa 9th Spikers’ Turf 2026 Open Conference second round preliminaries na hindi lang target ang panibagong panalo, kundi pati ang pag-sweep sa yugto.

Makaraang dominahin ang opening round sa malinis na limang panalo, aasintahin ng King Crunchers umpisa ngayong Miyerkoles ang pagpapanatili sa mabilis na takbo habang ang lima pang koponan magkakarga ng dagdag na pagsisikap upang pigilan ang salakay ng una sa torneo na inoorganisa ng Sports Vision Management Group, Inc.

Nakaharang sa daraanan ng CC sa simula sa araw na ito ang pinostehang straight-set win na tumeterserang Alpha Insurance (3-2) na tila nakakahanap na ng ritmo. Galing ang Protectors sa magkasunod na ragasa at reresbak sa alas-5:00 ng hapong rematch sa Filoil Playtime Centre sa San Juan.

Pero kakailanganin ng higit pa sa determinasyon upang mapigilan ang Criss Cross, na pangungunahan ng palaging maaasahang si Jude Garcia at baguhang sensasyon na si Alche Gupiteo. Ang kanilang matatag na presensya sa parehong dulo naging mahalaga sa pagpapanatiling matalas ng KC sa dominadong unang bahagi ng laban sa nakaraang Linggo.

Ang lalim ng koponan ay higit pang pinatibay ng mga wing attacker na sina Noel Kampton, Jaron Requinton, at Nico Almendras, na lahat ay may kakayahang umangat at maghatid sa mga mahalagang sandali.

Ang tunay na nagpapalakas sa Criss Cross ay ang nakakatakot pang frontline, na maaaring ituring na pinaka-dominanteng middle rotation sa liga. Sina Lloyd Josafat, Kim Malabunga, Gian Glorioso, at Poy Colinares ang bumubuo sa pangunahing grupo na nagbibigay ng matibay na pader sa net sa parehong opensa at depensa.

Sa depensang bahagi, ang King Crunchers ay may kabilang din sa mga pinakamahusay sa liga, sa katauhan nina liberos John Pepito at Menard Guerrero.

Sa gitna ng lahat ay ang setter na si Adrian Villados, na nag-oorganisa ng atake ng Criss Cross nang may kahanga-hangang katumpakan at tinitiyak na ang opensa ay dumadaloy nang may ritmo at balanse.

“Sa amin po ngayon is one game at a time lang. ‘Yung standings, wala naman. Magpokus muna kami sa susunod na laro namin, at tuloy lang sa training,” bulalas ni Villados.

Gayunpaman, kakasa ang Protectors sa laban na may bagong sigla pagkahakbang sa VNS at 3B para hingahan sa batok ang sumesegunda, may 4-1 Savouge Aesthetics.

Ang kanilang huling pagsiklab ay nagbigay ng kumpiyansa at momentum, na nagpapahiwatig na handang subukan ang walang talong takbo ng King Crunchers at potensyal na guluhin ang katayuan.

Bibira sa Alpha Insurance ang trio nina Cian Silang, Jau Umandal at JM Ronquillo, na binigyan ng kalayaang magdikta sa daloy ng laro. Sa kanilang pinagsamang lakas, palaban ang Protectors gaya ng ipinapakita sa papel – isang tropa na kayang durugin ang tila hindi matibag na depensa ng Criss Cross.

Sasalubungin sila ng isang batikang supporting cast nina Reymund Sabanal, Edward Camposano, Jeff Abuniawan, at Jhon Takeda, na ang karanasan at kakayahang umangkop ang nagbibigay ng lalim na kinakailangan upang mapanatili ang presyon sa buong laban.

Sa alas-3:00 ng hapon naman maghaharap ang pumapanglimang Event Masters (1-4) at kulelat na Always Bright Laticrete (0-5) sa isang mahalagang pukpukan sa kaganapang mga suportado ng Alpha Insurance, Arena Plus, Black Mamba at Premier EMS. (Abante Tonite Sports)

The post Lloyd Josafat, King Crunchers wawalisin uli ang Protectors first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments