Nagpahayag ng pagkadisma si University of Santo Tomas assistant coach Yani Fernandez sa mga bira sa Golden Tigresses sa 88th UAAP Women’s Volleyball Tournament 1st round elims ng pahayagan ng pamantasang The Varsitarian.
Sa isang artikulo noong Martes, inihalintulad ng TV ang mabagal na simula ng UST at kagaya ang kampanya ng koponan sa Season 80 na sumablay sa Final Four.
Ayon kay Fernandez masakit ang paghahambing para sa coaching staff at mga player ng opisyal na publikasyon pa man din ng UST.
“Masakit din sa part namin, especially hindi lang siguro sa volleyball. Kasi kahit ang ibang coaches ng ibang events, lalo na sa basketball, nakakaranas din niyan,” malungkot na lahad Fernandez sa Abante Tonite Sports nitong Huwebes.
Habang kinikilala na may karapatan ang publikasyon sa opinyon, hinirit ni Fernandez na mahirap para sa koponan na tanggapin ang ganoong kritisismo mula sa isang site na kasangga dapat ng paaralan.
“Malaya tayo sa bansang ito, oo, pero sa amin lang kasi na school publication siya na affiliated ng UST, parang hindi sila nakakatulong sa part namin,” sey niya.
Idinagdag ni Fernandez na umaasa ang koponan ng positibong ulat sa hinaharap.
“Kaya sana, matulungan din kami at saka ang timing din nila kung paano mag-publish ng kung ano man. Mararamdaman namin ang suporta din nila, hindi ang kabaligtaran.”
Kasalukuyang may 3-3 ang España-based squad habang patuloy na umaangkop sa sistema ng bumalik na coach na si Cesael ‘Shaq’ Delos Santos. (Jonas Lavarias)
The post UST assistant coach Yani Fernandez umaray sa banat ng The Varsitarian first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments